Linggo, Oktubre 23, 2011

Si Matusalem ay nagpropesiya—Ipinangaral ni Noe at ng kanyang mga anak na lalaki ang ebanghelyo—Labis na kasamaan ang nanaig—Ang panawagang magsisi ay hindi binigyang-pansin—Ipinag-utos ng Diyos ang pagkawasak ng lahat ng laman sa pamamagitan ng Baha.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 8
(Pebrero 1831)
Si Matusalem ay nagpropesiya—Ipinangaral ni Noe at ng kanyang mga anak na lalaki ang ebanghelyo—Labis na kasamaan ang nanaig—Ang panawagang magsisi ay hindi binigyang-pansin—Ipinag-utos ng Diyos ang pagkawasak ng lahat ng laman sa pamamagitan ng Baha.
  1 At ang lahat ng araw ni Enoc ay apat na raan at tatlumpung taon.
  2 At ito ay nangyari na si aMatusalem, na anak na lalaki ni Enoc, ay hindi kinuha, upang ang mga tipan ng Panginoon ay matupad, na kanyang ipinakipagtipan kay Enoc; sapagkat siya ay tunay na nakipagtipan kay Enoc na si Noe ay magmumula sa bunga ng kanyang balakang.
  3 At ito ay nangyari na si Matusalem ay nagpropesiya na mula sa kanyang balakang ay magmumula ang lahat ng kaharian sa mundo (sa pamamagitan ni Noe), at nagmapuri siya sa kanyang sarili.
  4 At dumating ang isang matinding taggutom sa lupain, at isinumpa ng Panginoon ang lupa sa isang matinding sumpa, at marami sa naninirahan doon ang namatay.
  5 At ito ay nangyari na si Matusalem ay nabuhay ng isandaan at walumpu’t pitong taon, at isinilang si Lamec;
  6 At si Matusalem ay nabuhay, pagkatapos na maisilang sa kanya si Lamec, ng pitong daan at walumpu’t dalawang taon, at nagkaroon ng mga anak na lalaki at babae;
  7 At ang lahat ng araw ni Matusalem ay siyam na raan at animnapu’t siyam na taon, at siya ay namatay.
  8 At si Lamec ay nabuhay ng isandaan at walumpu’t dalawang taon, at nagkaanak ng isang lalaki,
  9 At tinawag niyang aNoe ang kanyang pangalan, nagsasabing: Ang anak na ito ang aaliw sa atin hinggil sa ating gawa at pinagpagalan ng ating mga kamay, dahil sa lupang bisinumpa ng Panginoon.
  10 At si Lamec ay nabuhay, pagkatapos maisilang sa kanya si Noe, ng limang daan at siyamnapu’t limang taon, at nagkaroon ng mga anak na lalaki at babae;
  11 At ang lahat ng araw ni Lamec ay pitong daan at pitumpu’t pitong taon, at siya ay namatay.
  12 At si Noe ay apat na raan at limampung taong gulang, at aisinilang si Japhet; at makalipas ang apatnapu’t dalawang taon ay isinilang sa kanya si bSem ng ina ni Japhet, at nang siya ay limandaang taong gulang na ay isinilang sa kanya si cHam.
  13 At si aNoe at ang kanyang mga anak na lalaki ay bnakinig sa Panginoon, at sumunod, at sila ay tinawag na mga canak na lalaki ng Diyos.
  14 At nang ang mga taong ito ay magsimulang dumami sa balat ng lupa, at sila ay nagkaroon ng mga anak na babae, nakita ng mga aanak na lalaki ng tao na yaong mga anak na babae ay kaaya-aya, at sila ay kinuha nilang mga asawa, maging sinuman ang kanilang mapili.
  15 At sinabi ng Panginoon kay Noe: Ang mga anak na babae ng iyong mga anak na lalaki ay aipinagbili ang kanilang sarili; sapagkat masdan, ang aking galit ay nagsusumiklab laban sa mga anak na lalaki ng tao, sapagkat ayaw nilang makinig sa aking tinig.
  16 At ito ay nangyari na si Noe ay nagpropesiya, at itinuro ang mga bagay ng Diyos, maging gaya noong simula.
  17 At sinabi ng Panginoon kay Noe: Ang aking Espiritu ay hindi tuwinang amananahan sa tao, sapagkat kanyang malalaman na ang lahat ng blaman ay mamamatay; gayon man, ang kanyang mga araw ay magiging isandaan at dalawampung taon; at kung ang tao ay hindi magsisisi, ako ay magpapadala ng mga cbaha sa kanila.
  18 At sa mga araw na yaon ay may mga ahigante sa mundo, at kanilang hinanap si Noe upang kitlan ng kanyang buhay; subalit ang Panginoon ay kasama ni Noe, at ang bkapangyarihan ng Panginoon ay nasa kanya.
  19 At ainordenan ng Panginoon si bNoe alinsunod sa kanyang sariling corden, at inutusan siyang humayo at dipahayag ang kanyang Ebanghelyo sa mga anak ng tao, maging gaya ng pagkakabigay kay Enoc.
  20 At ito ay nangyari na si Noe ay nanawagan sa mga anak ng tao na sila ay nararapat amagsisi; subalit sila ay hindi nakinig sa kanyang mga salita;
  21 At gayon din, pagkatapos na kanilang marinig siya, sila ay lumapit sa kanya, nagsasabing: Masdan, kami ay mga anak na lalaki ng Diyos; hindi ba’t kinuha namin sa aming sarili ang mga anak na babae ng tao? At hindi ba kami anagsisikain, at nagsisiinuman, at nangag-aasawa at pinapag-asawa? At ang aming mga asawa ay nagsilang sa amin ng mga anak at sila rin ay malalakas na tao, na tulad ng mga tao noong sinauna, mga taong tanyag. At sila ay hindi nakinig sa mga salita ni Noe.
  22 At nakita ng Diyos na ang akasamaan ng mga tao ay naging labis na sa mundo; at ang bawat tao ay naiangat sa guni-guni ng mga bsaloobin ng kanyang puso, na nagpatuloy lamang sa kasamaan.
  23 At ito ay nangyari na si Noe ay nagpatuloy sa kanyang apangangaral sa mga tao, nagsasabing: Makinig, at bigyang-pansin ang aking mga salita;
  24 aManiwala at magsisi ng inyong mga kasalanan at bmagpabinyag sa pangalan ni Jesucristo, ang Anak ng Diyos, maging gaya ng ating mga ama, at kayo ay makatatanggap ng Espiritu Santo, upang magawang cipaalam sa inyo ang lahat ng bagay; at kung hindi ninyo gagawin ito, ang mga baha ay tatabon sa inyo; gayon pa man, sila ay hindi nakinig.
  25 At ito ay pinanghinayangan ni Noe, at ang kanyang puso ay nasaktan na ang Panginoon ay lumikha ng tao sa mundo, at ito ay nagpadalamhati sa kanyang puso.
  26 At sinabi ng Panginoon: aLilipulin ko ang tao na aking nilalang, mula sa balat ng lupa, kapwa tao at hayop, at ang mga gumagapang na bagay, at ang mga ibon sa himpapawid; sapagkat nanghinayang si Noe na aking nilalang sila, at na aking nilikha sila; at siya ay nanawagan sa akin; sapagkat hinangad nilang kitlin ang kanyang buhay.
  27 At sa gayon, si Noe ay nakatagpo ng abiyaya sa paningin ng Panginoon; sapagkat si Noe ay isang matwid na tao, at bganap noong kapanahunan niya; at clumakad siyang kasama ng Diyos, gaya rin ng kanyang tatlong anak na lalaki, sina Sem, Ham, at Japhet.
  28 Ang mundo ay atiwali sa harapan ng Diyos, at ito ay puno ng karahasan.
  29 At ang Diyos ay tumingin sa mundo, at, masdan, ito ay tiwali, sapagkat ang lahat ng laman ay katiwalian ang tinahak sa lupa.
  30 At sinabi ng Diyos kay Noe: Ang katapusan ng lahat ng laman ay sumapit sa harapan ko, sapagkat ang mundo ay puno ng karahasan, at masdan, aking alilipulin ang lahat ng laman sa mundo.

Si Enoc ay nagturo, pinamunuan ang mga tao, tininag ang mga bundok—Ang lunsod ng Sion ay itinatag—Nakita ni Enoc ang pagparito ng Anak ng Tao, ang kanyang pagbabayad-sala, at ang pagkabuhay na mag-uli ng mga Banal—Kanyang nakita ang Pagpapanumbalik, ang Pagtitipon, ang Ikalawang Pagparito, at ang pagbabalik ng Sion.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 7
(Disyembre 1830)
Si Enoc ay nagturo, pinamunuan ang mga tao, tininag ang mga bundok—Ang lunsod ng Sion ay itinatag—Nakita ni Enoc ang pagparito ng Anak ng Tao, ang kanyang pagbabayad-sala, at ang pagkabuhay na mag-uli ng mga Banal—Kanyang nakita ang Pagpapanumbalik, ang Pagtitipon, ang Ikalawang Pagparito, at ang pagbabalik ng Sion.
  1 At ito ay nangyari na nagpatuloy si Enoc sa kanyang pagsasalita, nagsasabing: Masdan, itinuro ng ating amang si Adan ang mga bagay na ito, at marami ang naniwala at naging mga aanak ng Diyos, at marami ang hindi naniwala, at mga nasawi sa kanilang mga kasalanan, at mga tumatanaw nang may btakot, sa pagdurusa, sa matinding galit ng kapootan ng Diyos na mabubuhos sa kanila.
  2 At mula sa panahong yaon, si Enoc ay nagsimulang magpropesiya, nagsasabi sa mga tao, na: Habang ako ay naglalakbay, at nakatayo sa dako ng Mahujah, at nagsusumamo sa Panginoon, ay may nangusap na isang tinig mula sa langit, nagsasabing—Bumalik ka at magtungo ka sa bundok ng Simeon.
  3 At ito ay nangyari na ako ay bumalik at umakyat sa bundok; at habang ako ay nakatindig sa bundok, aking namalas ang kalangitan na bumukas, at ako ay nabalot ng akaluwalhatian;
  4 At aking nakita ang Panginoon; at siya ay nakatayo sa aking harapan, at siya ay nakipag-usap sa akin, maging gaya ng pakikipag-usap ng tao sa isa’t isa, nang aharap-harapan; at kanyang sinabi sa akin: bTumingin ka, at aking ipakikita sa iyo ang daigdig sa loob ng maraming salinlahi.
  5 At ito ay nangyari na aking namalas sa lambak ng Shum, at masdan, maraming tao ang naninirahan sa mga tolda, na mga tao ng Shum.
  6 At muling sinabi sa akin ng Panginoon: Tumingin; at ako ay tumingin sa dakong hilaga, at aking namalas ang mga tao ng Canaan, na naninirahan sa mga tolda.
  7 At sinabi ng Panginoon sa akin: Magpropesiya; at ako ay nagpropesiya, nagsasabing: Masdan ang mga tao ng Canaan, na napakarami, ay hahayo sa digmaan laban sa mga tao ng Shum, at papatayin sila kung kaya’t sila ay ganap na malilipol; at ang mga tao ng Canaan ay maghihiwa-hiwalay sa mga pangkat sa lupain, at ang lupain ay magiging tigang at hindi magbubunga, at walang ibang taong maninirahan doon maliban sa mga tao ng Canaan;
  8 Sapagkat masdan, susumpain ng Panginoon ang lupain nang matinding init, at ang pagkatigang niyon ay magpapatuloy magpakailanman; at may akaitimang pumasalahat ng anak ng Canaan, kung kaya’t sila ay kinamuhian sa lahat ng tao.
  9 At ito ay nangyari na sinabi sa akin ng Panginoon: Tumingin; at ako ay tumingin, at aking namalas ang lupain ng Sharon, at ang lupain ng Enoc, at ang lupain ng Omner, at ang lupain ng Heni, at ang lupain ng Sem, at ang lupain ng Haner, at ang lupain ng Hanannihah, at lahat ng naninirahan doon;
  10 At sinabi sa akin ng Panginoon: Humayo sa mga taong ito, at sabihin sa kanila—aMagsisi, na baka ako ay lumabas at bagabagin sila ng isang sumpa, at sila ay mamatay.
  11 At binigyan niya ako ng isang kautusan na ako ay nararapat amagbinyag sa pangalan ng Ama, at ng Anak, na puspos ng bbiyaya at katotohanan, at ng cEspiritu Santo, na nagpapatotoo sa Ama at sa Anak.
  12 At ito ay nangyari na si Enoc ay nagpatuloy sa pananawagan sa lahat ng tao, maliban sa mga tao ng Canaan, na magsisi;
  13 At napakalaki ng apananampalataya ni Enoc kung kaya’t pinamunuan niya ang mga tao ng Diyos, at ang kanilang mga kaaway ay sumalakay upang makidigma laban sa kanila; at kanyang sinabi ang salita ng Panginoon, at ang lupa ay nayanig, at ang mga bbundok ay natinag, maging alinsunod sa kanyang utos; at ang mga cilog ng tubig ay lumiko mula sa kanilang pinag-aagusan; at ang atungal ng mga leon ay narinig mula sa ilang; at ang lahat ng bayan ay labis na natakot, dnapakamakapangyarihan ng salita ni Enoc, at napakalakas ng kapangyarihan ng wikang ibinigay ng Diyos sa kanya.
  14 Mayroon ding lumitaw na isang lupain mula sa ilalim ng dagat, at napakalaki ng takot ng mga kaaway ng mga tao ng Diyos, kung kaya’t nagsitakas sila at tumayo sa malayo at nagtungo sa lupain na lumitaw mula sa ilalim ng dagat.
  15 At ang mga ahigante rin ng lupain ay tumayo sa malayo; at doon sumapit ang isang sumpa sa lahat ng taong lumalaban sa Diyos;
  16 At magmula sa panahong yaon ay nagkaroon ng mga digmaan at pagdanak ng dugo sa kanila; subalit ang Panginoon ay dumating at nanirahang kasama ng kanyang mga tao, at sila ay namuhay sa kabutihan.
  17 At ang atakot sa Panginoon ay napasalahat ng bayan, napakadakila ng kaluwalhatian ng Panginoon, na napasakanyang mga tao. At bpinagpala ng Panginoon ang lupain, at sila ay pinagpala sa ibabaw ng mga kabundukan, at sa ibabaw ng matataas na lugar, at nanagana.
  18 At tinawag ng Panginoon ang kanyang mga tao na aSion, sapagkat sila ay may isang puso at bisang isipan, at namuhay sa kabutihan; at walang maralita sa kanila.
  19 At si Enoc ay nagpatuloy sa kanyang pangangaral sa kabutihan sa mga tao ng Diyos. At ito ay nangyari na sa kanyang mga araw, siya ay nagtayo ng isang lunsod na tinawag na Lunsod ng Kabanalan, maging ang Sion.
  20 At ito ay nangyari na si Enoc ay nakipag-usap sa Panginoon; at kanyang sinabi sa Panginoon: Tiyak ang aSion ay mamumuhay sa kaligtasan magpakailanman. Subalit sinabi ng Panginoon kay Enoc: Ang Sion ay pinagpala ko, subalit ang labi ng mga tao ay isinumpa ko.
  21 At ito ay nangyari na ipinakita ng Panginoon kay Enoc ang lahat ng naninirahan sa mundo; at kanyang namasdan, at namalas, ang Sion, sa paglipas ng panahon, ay adinala sa langit. At sinabi ng Panginoon kay Enoc: Masdan ang aking tahanan magpakailanman.
  22 At namalas din ni Enoc ang labi ng mga tao na mga anak ni Adan; at silang lahat ay pinagsama-samang mga binhi ni Adan maliban sa mga binhi ni Cain, sapagkat ang mga binhi ni Cain ay amaiitim, at walang lugar sa kanila.
  23 At pagkatapos na ang Sion ay dinala sa alangit, namasdan ni Enoc, at bnamalas, ang clahat ng bayan sa mundo ay nasa kanyang harapan;
  24 At nagdaan ang bawat sali’t salinlahi; at si Enoc ay marangal at adinakila, maging sa sinapupunan ng Ama, at ng Anak ng Tao; at masdan, ang kapangyarihan ni Satanas ay nasa ibabaw ng buong mundo.
  25 At siya ay nakakita ng mga anghel na bumababa mula sa langit; at kanyang narinig ang isang malakas na tinig na nagsasabing: Sa aba, sa aba sa mga naninirahan sa mundo.
  26 At kanyang namasdan si Satanas; at siya ay may malaking atanikala sa kanyang kamay, at tinalukbungan nito ang ibabaw ng buong mundo ng bkadiliman; at siya ay tumingala at tumawa, at ang kanyang mga canghel ay nagsaya.
  27 At namasdan ni Enoc ang mga aanghel na bumababa mula sa langit, bnagpapatotoo sa Ama at Anak; at ang Espiritu Santo ay tumahan sa marami, at sila ay natangay sa pamamagitan ng mga kapangyarihan ng langit sa Sion.
  28 At ito ay nangyari na ang Diyos ng langit ay tumingin sa labi ng mga tao, at siya ay nanangis; at pinatotohanan ito ni Enoc, nagsasabing: Paanong ang kalangitan ay nananangis, at pumapatak ang kanilang mga luha gaya ng ulan sa ibabaw ng mga bundok?
  29 At sinabi ni Enoc sa Panginoon: Paanong kayo ay anananangis, nakikitang kayo ay banal, at mula sa lahat ng kawalang-hanggan hanggang sa lahat ng kawalang-hanggan?
  30 At kung mabibilang ng tao ang maliliit na bahagi ng mundo, oo, milyun-milyong amundo na tulad nito, ito ay hindi magiging simula sa bilang ng inyong mga bnilikha; at ang inyong mga tabing ay nakaladlad pa rin; at gayon pa man kayo ay naroon, at ang inyong sinapupunan ay naroon; at gayon din kayo ay makatarungan; kayo ay maawain at mabait magpakailanman;
  31 At kinuha ninyo ang Sion sa inyong sariling sinapupunan, mula sa lahat ng inyong mga nilikha, mula sa lahat ng kawalang-hanggan hanggang sa lahat ng kawalang-hanggan; at wala maliban saakapayapaanbkatarungan, at ckatotohanan ang tahanan ng inyong trono; at ang awa ay mababanaag sa inyong mukha at walang wakas; paanong kayo ay nananangis?
  32 At sinabi ng Panginoon kay Enoc: Masdan ang iyong mga kapatid; sila ay gawa ng sarili kong mga akamay, at ibinigay ko sa kanila ang kanilang bkaalaman, sa araw na aking nilalang sila; at sa Halamanan ng Eden, ibinigay ko sa tao ang kanyang ckalayaang mamili;
  33 At sa iyong mga kapatid aking sinabi, at nagbigay rin ng kautusan, na kanilang nararapat amahalin ang isa’t isa, at na kanilang nararapat piliin ako, na kanilang Ama; subalit masdan, sila ay walang pagmamahal, at kinapopootan nila ang kanilang sariling dugo;
  34 At ang aapoy ng aking galit ay nagsusumiklab laban sa kanila; at sa init ng aking hinanakit ay magpapadala ako ng mga bbaha sa kanila, sapagkat ang aking matinding galit ay nagsusumiklab laban sa kanila.
  35 Masdan, ako ang Diyos; aTaong Banal ang aking pangalan; Taong Tagapayo ang aking pangalan; at Walang Wakas at Walang Hanggan ay akin ding bpangalan.
  36 Kaya nga, maiuunat ko ang aking mga kamay at mahahawakan ang lahat ng nilalang na aking nilikha; at ang aking amata ay maaari ring tumagos sa kanila, at sa lahat ng gawa ng aking mga kamay ay walang naging bkasingsama gaya sa iyong mga kapatid.
  37 Subalit masdan, ang kanilang mga kasalanan ay mapapataw sa ulo ng kanilang mga ama; si Satanas ang kanilang magiging ama, at pagdurusa ang kanilang kahahantungan; at ang buong kalangitan ay mananangis dahil sa kanila, maging ang lahat ng gawa ng aking mga kamay; dahil dito, hindi ba nararapat lamang na manangis ang kalangitan, nakikitang sila ay magdurusa?
  38 Subalit masdan, sila na nakikita ng iyong mga mata ay masasawi sa mga baha; at masdan, aking ikukulong sila; isang abilangguan ang aking inihanda para sa kanila.
  39 At ayaong aking napili ay nagmakaawa sa aking harapan. Anupa’t siya ay magdurusa para sa kanilang mga kasalanan; yayamang sila ay magsisisi sa araw na ang aking bPinili ay magbabalik sa akin, at hanggang sa dumating ang araw na yaon sila ay masasadlak sa cpagdurusa;
  40 Kaya nga, dahil dito ang kalangitan ay mananangis, oo, at lahat ng gawa ng aking mga kamay.
  41 At ito ay nangyari na ang Panginoon ay nangusap kay Enoc, at sinabi kay Enoc ang lahat ng ginagawa ng mga anak ng tao; kaya nga nalaman ni Enoc, at tiningnan ang kanilang kasamaan, at ang kanilang pagdurusa, at nanangis at iniunat ang kanyang mga bisig, at ang kanyang apuso ay lumaki gaya ng kawalang-hanggan; at ang kanyang puso ay naawa; at ang buong kawalang-hanggan ay nayanig.
  42 At nakita rin ni Enoc si aNoe, at ang kanyang bmag-anak; na ang mga angkan ng lahat ng anak na lalaki ni Noe ay maliligtas ng kaligtasang temporal;
  43 Samakatwid nakita ni Enoc si Noe na gumawa ng isang aarka; at na ang Panginoon ay ngumiti rito, at hinawakan ito ng kanyang sariling kamay; subalit sa labi ng masasama, ang baha ay dumating at nilulon sila.
  44 At habang nakikita ito ni Enoc, siya ay nakadama ng kapaitan ng kaluluwa, at tinangisan ang kanyang mga kapatid, at sinabi sa mga kalangitan: Ako ay atatangging maaliw; subalit sinabi ng Panginoon kay Enoc: Pasiglahin ang iyong puso, at magalak; at tumingin.
  45 At ito ay nangyari na tumingin si Enoc; at mula kay Noe, kanyang namasdan ang lahat ng mag-anak sa mundo; at siya ay nagsumamo sa Panginoon, nagsasabing: Kailan darating ang araw ng Panginoon? Kailan ibubuhos ang dugo ng Mabuti, upang lahat silang tumatangis ay amapabanal at magkaroon ng buhay na walang hanggan?
  46 At sinabi ng Panginoon: Ito ay mangyayari sa akalagitnaan ng panahon, sa mga araw ng kasamaan at paghihiganti.
  47 At masdan, nakita ni Enoc ang araw ng pagparito ng Anak ng Tao, maging sa laman; at ang kanyang kaluluwa ay nagsaya, nagsasabing: Ang Mabuti ay dinakila, at ang aKordero ay pinatay mula sa pagkakatatag ng daigdig; at sa pamamagitan ng pananampalataya ako ay napasa sinapupunan ng Ama, at masdan, ang bSion ay kasama ko.
  48 At ito ay nangyari na tumingin si Enoc sa amundo; at kanyang narinig ang isang tinig mula sa kaloob-looban niyon, nagsasabing: Sa aba, sa aba ko, ang ina ng mga tao; ako ay nasasaktan, ako ay napapagod, dahil sa kasamaan ng aking mga anak. Kailan ako bmapapahinga, at magiging malinis sa ckarumihang sumibol sa akin? Kailan ako pababanalin ng aking Tagapaglikha, upang ako ay makapagpahinga, at ang kabutihan sa isang panahon ay tumahan sa aking mukha?
  49 At nang marinig ni Enoc ang pagdadalamhati ng mundo, siya ay nanangis, at nagsumamo sa Panginoon, nagsasabing: O Panginoon, hindi ba kayo maaawa sa mundo? Hindi ba ninyo pagpapalain ang mga anak ni Noe?
  50 At ito ay nangyari na si Enoc ay nagpatuloy sa kanyang pagsusumamo sa Panginoon, nagsasabing: Aking hinihiling sa inyo, O Panginoon, sa pangalan ng inyong Bugtong na Anak, maging si Jesucristo, na inyong kaawaan si Noe at ang kanyang mga binhi, upang ang mundo ay hindi na muling matabunan pa sa pamamagitan ng mga baha.
  51 At ang Panginoon ay hindi makapagkait; at siya ay nakipagtipan kay Enoc, at nangako sa kanya lakip ang isang sumpa, na kanyang papawiin ang mga abaha; na kanyang tatawagin ang mga anak ni Noe;
  52 At siya ay nagpadala ng isang hindi mababagong kautusan, na isang alabi ng kanyang mga binhi ay matatagpuan sa tuwina sa lahat ng bansa, habang ang mundo ay nakatindig;
  53 At sinabi ng Panginoon: Pinagpala siya na kung kaninong binhi ang Mesiyas ay magmumula; sapagkat kanyang sinabi—Ako ang aMesiyas, ang bHari ng Sion, ang cBato ng Langit, na kasinlawak ng kawalang-hanggan; sinuman ang papasok sa pasukan at daakyat sa pamamagitan ko ay hindi kailanman babagsak; kaya nga, pinagpala sila na aking mga binanggit, sapagkat sila ay magsisiawit ngeawitin ng walang hanggang kagalakan.
  54 At ito ay nangyari na si Enoc ay nagsumamo sa Panginoon, nagsasabing: Kapag ang Anak ng Tao ay pumarito sa laman, ang mundo ba ay mamamahinga? Aking isinasamo sa inyo, ipakita ninyo ang mga bagay na ito sa akin.
  55 At sinabi ng Panginoon kay Enoc: Tingnan, at siya ay tumingin at namasdan ang aAnak ng Tao na itinaas sa bkrus, alinsunod sa pamamaraan ng mga tao;
  56 At siya ay nakarinig ng isang malakas na tinig; at ang kalangitan ay natalukbungan; at ang lahat ng nilikha ng Diyos ay nagdalamhati; at ang mundo ay adumaing; at ang mga bato ay nabiyak; at ang mga banal ay bnagsibangon, at mga cpinutungan sa dkanang kamay ng Anak ng Tao, ng mga putong ng kaluwalhatian;
  57 At kasindami ng mga aespiritung nasa bbilangguan ay nagsipagbangon, at tumayo sa kanang kamay ng Diyos; at ang mga natira ay inilaan sa mga pagkakagapos ng kadiliman hanggang sa paghuhukom ng dakilang araw.
  58 At muli, si Enoc ay nanangis at nagsumamo sa Panginoon, nagsasabing: Kailan ba mamamahinga ang mundo?
  59 At namasdan ni Enoc ang Anak ng Tao na umaakyat sa Ama; at siya ay nanawagan sa Panginoon, nagsasabing: Hindi ba kayo muling paparito sa mundo? Yayamang kayo ay Diyos, at akin kayong nakikilala, at kayo ay nangako sa akin, at inutusan ako na ako ay humiling sa pangalan ng inyong Bugtong na Anak; kayo ang lumikha sa akin, at binigyan ako ng karapatan sa inyong trono, at hindi dahil sa aking sarili, kundi sa pamamagitan ng inyong sariling biyaya; kaya nga, ako ay nagtatanong sa inyo kung hindi ba kayo paparitong muli sa mundo.
  60 At sinabi ng Panginoon kay Enoc: Yayamang ako ay buhay, gayon pa man ako ay paparito sa amga huling araw, sa mga araw ng kasamaan at paghihiganti, upang tuparin ang sumpang aking ginawa sa iyo hinggil sa mga anak ni Noe;
  61 At darating ang araw na ang mundo ay amamamahinga, subalit bago dumating ang araw na yaon ang kalangitan ay bmagdidilim, at isang ctabing ng kadiliman ay babalot sa mundo; at ang kalangitan ay mayayanig, at gayon din ang lupa; at matinding paghihirap ang mapapasa mga anak ng tao, subalit ang aking mga tao ay dpangangalagaan ko;
  62 At akabutihan ang aking ipadadala mula sa langit; at bkatotohanan ay aking ipadadala sa clupa, upang dmagpatotoo sa aking Bugtong na Anak; ang kanyang epagkabuhay na mag-uli mula sa mga patay; oo, at ang pagkabuhay na mag-uli rin ng lahat ng tao; at kabutihan at katotohanan ay papapangyarihin kong umabot sa mundo gaya ng isang baha, upang ftipunin ang aking mga hinirang mula sa apat na sulok ng mundo, sa isang lugar na aking ihahanda, isang Banal na Lunsod, upang ang aking mga tao ay makapagbigkis ng kanilang mga balakang, at umasa sa araw ng aking pagparito; sapagkat doon ang aking magiging tabernakulo, at ito ay tatawaging Sion, ang gBagong Jerusalem.
  63 At sinabi ng Panginoon kay Enoc: Pagkatapos ikaw at ang lahat ng iyong alunsod ay sasalubong sa kanila roon, at tatanggapin natin sila sa ating sinapupunan, at makikita nila tayo, at tayo ay yayapos sa kanilang mga leeg at sila ay yayapos sa ating mga leeg, at hahalikan natin ang isa’t isa;
  64 At doon ang aking magiging tahanan, at ito ay magiging Sion, na lalabas mula sa lahat ng aking mga nilalang na aking nilikha; at sa loob ng aisanlibong taon ang mundo ay bmamamahinga.
  65 At ito ay nangyari na nakita ni Enoc ang araw ng apagparito ng Anak ng Tao, sa mga huling araw, upang manahanan sa mundo sa kabutihan sa loob ng isanlibong taon;
  66 Subalit bago ang araw na yaon kanyang nakita ang matinding paghihirap sa masasama; at kanya ring nakita ang dagat, na ito ay naligalig, at ang mga puso ng tao ay amanlulumo, naghihintay nang may takot para sa mga bkahatulan ng Pinakamakapangyarihang Diyos, na mapapasa masasama.
  67 At ipinakita ng Panginoon kay Enoc ang lahat ng bagay, maging hanggang sa wakas ng daigdig; at kanyang nakita ang araw ng mabubuti, ang panahon ng kanilang pagkatubos, at pagtanggap ng ganap na akagalakan;
  68 At ang lahat ng araw ng aSion, noong araw ni Enoc, ay tatlong daan at animnapu’t limang taon.
  69 At si Enoc at ang lahat ng kanyang mga tao ay alumakad kasama ang Diyos, at siya ay nanirahan sa gitna ng Sion; at ito ay nangyari na ang Sion ay naglaho, sapagkat tinanggap ito ng Diyos sa kanyang sariling sinapupunan; at magmula noon, humayo ang kasabihang: Ang Sion ay Naglaho.

Ang mga binhi ni Adan ay nag-ingat ng isang aklat ng alaala—Ang kanyang mabubuting angkan ay nangaral ng pagsisisi—Ipinakita ng Diyos ang kanyang sarili kay Enoc—Ipinangaral ni Enoc ang ebanghelyo—Ang plano ng kaligtasan ay inihayag kay Adan—Siya ay tumanggap ng binyag at pagkasaserdote.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 6
(Nobyembre–Disyembre 1830)
Ang mga binhi ni Adan ay nag-ingat ng isang aklat ng alaala—Ang kanyang mabubuting angkan ay nangaral ng pagsisisi—Ipinakita ng Diyos ang kanyang sarili kay Enoc—Ipinangaral ni Enoc ang ebanghelyo—Ang plano ng kaligtasan ay inihayag kay Adan—Siya ay tumanggap ng binyag at pagkasaserdote.
  1 At si aAdan ay nakinig sa tinig ng Diyos, at nanawagan sa kanyang mga anak na lalaki na magsisi.
  2 At nakilala ni Adan muli ang kanyang asawa, at siya ay nagsilang ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na aSet. At pinapurihan ni Adan ang pangalan ng Diyos; sapagkat kanyang sinabi: Ang Diyos ay nagtalaga sa akin ng isa pang anak, na kapalit ni Abel, na pinatay ni Cain.
  3 At inihayag ng Diyos ang kanyang sarili kay Set, at siya ay hindi naghimagsik, kundi nag-alay ng isang karapat-dapat na ahain, tulad ng kanyang kapatid na si Abel. At sa kanya rin ay isinilang ang isang anak na lalaki, at kanyang tinawag ang kanyang pangalang Enos.
  4 At doon nagsimulang amanawagan ang mga taong ito sa pangalan ng Panginoon, at pinagpala sila ng Panginoon;
  5 At isang aaklat ng alaala ang iningatan, na natatala, sa wika ni Adan, sapagkat ito ay ibinigay sa kasindami ng nanawagan sa Diyos upang sumulat sa pamamagitan ng diwa ng binspirasyon;
  6 At sa pamamagitan nito ang kanilang mga anak ay tinuruang magbasa at magsulat, na nagtataglay ng isang wikang dalisay at malinis.
  7 Ngayon, ang aPagkasaserdote ring ito, na naroroon na sa simula pa ay siya ring naroroon sa wakas ng daigdig.
  8 Ngayon, ang propesiyang ito ay sinabi ni Adan, habang siya ay pinakikilos ng aEspiritu Santo, at isang btalaangkanan ang iningatan ng mga canak ng Diyos. At ito ang daklat ng mga salinlahi ni Adan, nagsasabing: Sa araw na lalangin ng Diyos ang tao, sa wangis ng Diyos kanyang nilikha siya;
  9 Sa alarawan ng kanyang sariling katawan, lalaki at babae, kanyang nilalang bsila, at pinagpala sila, at tinawag na Adan ang kanilang cpangalan, sa araw na sila ay lalangin at naging mga dkaluluwangmay buhay sa lupa sa etungtungan ng Diyos.
  10 At nabuhay si aAdan nang isandaan at tatlumpung taon, at nagkaanak ng isang lalaki sa kanyang wangis, na ayon sa kanyang sariling blarawan, at tinawag ang kanyang pangalang Set.
  11 At ang mga araw ni Adan, pagkatapos maisilang sa kanya si Set, ay walong daang taon, at nagkaroon siya ng maraming anak na lalaki at babae;
  12 At ang lahat ng araw na nabuhay si Adan ay siyam na raan at tatlumpung taon, at siya ay namatay.
  13 Si Set ay nabuhay nang isandaan at limang taon, at isinilang si Enos, at nagpropesiya sa lahat ng kanyang mga araw, at tinuruan ang kanyang anak na si Enos sa mga landas ng Diyos; dahil dito nagpropesiya rin si Enos.
  14 At nabuhay si Set, pagkatapos na maisilang sa kanya si Enos, ng walong daan at pitong taon, at nagkaroon ng maraming anak na lalaki at babae.
  15 At ang mga anak ng tao ay napakarami sa balat ng lupa. At sa mga araw na yaon, si Satanas ay may malaking akapangyarihan sa mga tao, at nagpaalab sa kanilang mga puso; at magmula noon ay nagkaroon ng mga digmaan at pagdanak ng dugo; at ang kamay ng isang tao ay laban sa kanyang sariling kapatid, sa pagpapataw ng kamatayan, dahil sa mga blihim na gawain, na naghahangad ng kapangyarihan.
  16 Ang lahat ng araw ni Set ay siyam na raan at labindalawang taon, at siya ay namatay.
  17 At si Enos ay nabuhay ng siyamnapung taon, at isinilang si aCainan. At si Enos at ang labi ng mga tao ng Diyos ay lumabas sa lupain, na tinawag na Shulon, at nanirahan sa isang lupang pangako, na kanyang tinawag alinsunod sa kanyang sariling anak na lalaki, na kanyang pinangalanang Cainan.
  18 At nabuhay si Enos, pagkatapos maisilang sa kanya si Cainan, ng walong daan at labinlimang taon, at nagkaroon ng maraming anak na lalaki at babae. At ang lahat ng araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya ay namatay.
  19 At nabuhay si Cainan nang pitumpung taon, at isinilang si Mahalaleel; at nabuhay si Cainan pagkatapos maisilang sa kanya si Mahalaleel ng walong daan at apatnapung taon, at nagkaroon ng mga anak na lalaki at babae. At ang lahat ng araw ni Cainan ay siyam na raan at sampung taon, at siya ay namatay.
  20 At nabuhay si Mahalaleel ng animnapu’t limang taon, at isinilang si Jared; at nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos maisilang sa kanya si Jared, ng walong daan at tatlumpung taon, at nagkaroon ng mga anak na lalaki at babae. At ang lahat ng araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyamnapu’t limang taon, at siya ay namatay.
  21 At nabuhay si Jared ng isandaan at animnapu’t dalawang taon, at isinilang asi Enoc; at nabuhay si Jared, pagkatapos na maisilang sa kanya si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaroon ng mga anak na lalaki at babae. At tinuruan ni Jared si Enoc sa lahat ng landas ng Diyos.
  22 At ito ang talaangkanan ng mga anak na lalaki ni Adan, na aanak na lalaki ng Diyos, kung kanino ang Diyos, nakipag-usap.
  23 At sila ay mga amangangaral ng kabutihan, at nangusap at bnagpropesiya, at nanawagan sa lahat ng tao, sa lahat ng dako, na cmagsipagsisi; at ang dpananampalataya ay itinuro sa mga anak ng tao.
  24 At ito ay nangyari na ang lahat ng araw ni Jared ay siyam na raan at animnapu’t dalawang taon, at siya ay namatay.
  25 At nabuhay si Enoc ng animnapu’t limang taon, at isinilang sa kanya si aMatusalem.
  26 At ito ay nangyari na si Enoc ay naglakbay sa lupain, sa mga tao; at habang siya ay naglalakbay, ang Espiritu ng Diyos ay bumaba mula sa langit, at nanahan sa kanya.
  27 At siya ay nakarinig ng isang tinig mula sa langit, nagsasabing: Enoc, aking anak, magpropesiya sa mga taong ito, at sabihin sa kanila—Magsisi, sapagkat ganito ang wika ng Panginoon: Ako ayanagagalit sa mga taong ito, at ang aking matinding galit ay nagsusumiklab laban sa kanila; sapagkat ang kanilang mga puso ay nagsitigas, at ang kanilang mga btainga ay bahagya nang makarinig, at ang kanilang mga mata ay chindi makakita sa malayo;
  28 At sa maraming salinlahing ito, mula pa sa araw na aking nilalang sila, sila ay mga analigaw, at itinatwa ako, at hinangad ang kanilang sariling mga payo sa dilim; at sa kanilang sariling mga karumal-dumal na gawain sila ay bumalangkas ng mga pagpaslang, at hindi sinunod ang mga kautusan, na aking ibinigay sa kanilang amang si Adan.
  29 Dahil dito, isinumpa nila ang kanilang sarili, at, sa pamamagitan ng kanilang mga asumpa, dinala nila ang kanilang sarili sa kamatayan; at isang bimpiyerno ang aking inihanda para sa kanila, kung sila ay hindi magsisisi;
  30 At ito ay isang kautusan, na ipinadala ko sa simula ng daigdig, mula sa aking sariling bibig, mula sa pagkakatatag niyon, at sa pamamagitan ng mga bibig ng aking mga tagapaglingkod, na iyong mga ama, ay akin nang iniutos ito, maging ganito ito ay ipadadala sa daigdig, hanggang sa mga hangganan niyon.
  31 At nang marinig ni Enoc ang mga salitang ito, kanyang iniyukod ang sarili sa lupa, sa harapan ng Panginoon, at nangusap, sa harapan ng Panginoon, nagsasabing: Bakit ako naging kalugud-lugod sa inyong paningin, at ako ay isang bata lamang, at kinamumuhian ako ng lahat ng tao; sapagkat amabagal ako sa pagsasalita; dahil dito, ako ba ay inyong tagapaglingkod?
  32 At sinabi ng Panginoon kay Enoc: Humayo at gawin mo gaya ng aking ipinag-utos sa iyo, at walang taong mananakit sa iyo. Ibuka mo ang iyong abibig, at ito ay mapupuno, at akin kitang bibigyan ng sasabihin, sapagkat ang lahat ng laman ay nasa aking mga kamay, at aking gagawin ang inaakala kong makabubuti.
  33 Sabihin sa mga taong ito: aPiliin ninyo sa araw na ito, na paglingkuran ang Panginoong Diyos na lumikha sa inyo.
  34 Masdan, ang aking Espiritu ay nasa iyo, dahil dito ang lahat ng iyong salita ay pangangatwiranan ko; at ang mga abundok ay maglalaho sa harapan mo, at ang mga bilog ay liliko mula sa pinag-aagusan nito; at ikaw ay mananahan sa akin, at ako sa iyo; kaya nga, clumakad kang kasama ko.
  35 At ang Panginoon ay nangusap kay Enoc at sinabi sa kanya: Pahiran mo ang iyong mga mata ng putik, at hugasan ang mga ito, at ikaw ay makakikita. At kanya ngang ginawa.
  36 At kanyang namasdan ang mga aespiritung nilalang ng Diyos; at kanya ring namasdan ang mga bagay na hindi nakikita nang blikas na mata; at magmula noon ay lumaganap ang kasabihan sa buong lupain: Nagbangon ang Panginoon ng isang ctagakita sa kanyang mga tao.
  37 At ito ay nangyari na si Enoc ay humayo sa lupain, sa mga tao, tumatayo sa mga burol at sa matataas na lugar, at nangaral sa malakas na tinig, nagpapatotoo laban sa kanilang mga gawain; at ang lahat ng tao ay anasaktan dahil sa kanya.
  38 At sila ay nagsihayo upang makinig sa kanya, sa matataas na lugar, nagsasabi sa mga tagapag-ingat ng mga tolda: Manatili kayo rito at ingatan ang mga tolda, habang kami ay magtutungo sa dako roon upang mamalas ang tagakita, sapagkat siya ay nagpopropesiya, at may kakaibang nangyayari sa lupain; isang baliw na lalaki ang humalubilo sa atin.
  39 At ito ay nangyari na nang kanilang marinig siya, walang taong sumaling sa kanya; sapagkat nanaig ang takot sa lahat ng nakarinig sa kanya; sapagkat siya ay lumakad na kasama ang Diyos.
  40 At may lumapit na isang lalaki sa kanya, na ang pangalan ay Mahijah, at sinabi sa kanya: Sabihin mo sa amin nang maliwanag kung sino ka, at kung saan ka nanggaling?
  41 At kanyang sinabi sa kanila: Ako ay nanggaling sa lupain ng Cainan, na lupain ng aking mga ama, isang lupain ng kabutihan hanggang sa araw na ito. At tinuruan ako ng aking ama sa lahat ng landas ng Diyos.
  42 At ito ay nangyari na, na habang ako ay naglalakbay mula sa lupain ng Cainan, sa may silangang dagat, ako ay nakamalas ng isang pangitain; at dinggin, ang kalangitan ay nakita ko, at ang Panginoon ay nakipag-usap sa akin, at binigyan ako ng kautusan; kaya, dahil dito, bilang pagsunod sa kautusan, aking sinasabi ang mga salitang ito.
  43 At si Enoc ay nagpatuloy sa kanyang pagsasalita, nagsasabing: Ang Panginoon na siyang nakipag-usap sa akin, ay siya ring Diyos ng langit, at siya ang aking Diyos, at inyong Diyos, at kayo ay aking mga kapatid, at bakit kayo anagpapayo sa inyong sarili, at itinatatwa ang Diyos ng langit?
  44 Ang kalangitan ay nilikha niya; ang amundo ay kanyang btungtungan ng paa; at ang mga saligan niyon ay kanya. Masdan, kanyang inilatag ito, maraming tao ang kanyang dinala sa ibabaw niyon.
  45 At ang kamatayan ay sumapit sa ating mga ama; gayon pa man kilala natin sila, at hindi maitatatwa, at maging ang una sa lahat ay ating kilala, maging si Adan.
  46 Sapagkat isang aklat ng aalaala ang ating isinulat sa atin, alinsunod sa huwarang ibinigay ng daliri ng Diyos; at ito ay ibinigay sa ating sariling wika.
  47 At habang si Enoc ay nangungusap ng mga salita ng Diyos, ang mga tao ay nanginig, at hindi sila nakatagal sa kanyang harapan.
  48 At kanyang sinabi sa kanila: Sapagkat si Adan ay anahulog, tayo ay nagkagayon; at dahil sa kanyang pagkahulog ay sumapit ang bkamatayan; at tayo ay naging kasalo ng kalungkutan at kapighatian.
  49 Masdan si Satanas ay humalubilo sa mga anak ng tao, at atinukso silang sambahin siya; at ang mga tao ay naging bmakamundocmahalay, at maladiyablo, at dpinagsarhan mula sa kinaroroonan ng Diyos.
  50 Subalit ipinaalam ng Diyos sa ating mga ama na ang lahat ng tao ay kinakailangang magsisi.
  51 At tinawag niya ang ating amang si Adan sa pamamagitan ng kanyang sariling tinig, nagsasabing: Ako ang Diyos; ako ang lumikha ng daigdig, at ng mga atao bbago pa sila napasalaman.
  52 At kanya ring sinabi sa kanya: Kung ikaw ay babaling sa akin, at makikinig sa aking tinig, at maniniwala, at magsisisi sa lahat ng iyong paglabag, at amagpapabinyag, maging sa tubig, sa pangalan ng aking Bugtong na Anak, na puspos ng bbiyaya at katotohanan, na si cJesucristo, ang tanging dpangalang ibibigay sa silong ng langit, kung saan ang ekaligtasan ay sasapit sa mga anak ng tao, ikaw ay tatanggap ng kaloob na Espiritu Santo, hinihiling ang lahat ng bagay sa kanyang pangalan, at kung ano man ang iyong hihilingin, ito ay ibibigay sa iyo.
  53 At ang ating amang si Adan ay nangusap sa Panginoon, at nagsabi: Bakit kinakailangang ang tao ay magsisi at magpabinyag sa tubig? At sinabi ng Panginoon kay Adan: Masdan, apinatawad kita sa iyong paglabag sa Halamanan ng Eden.
  54 Dahil dito lumaganap ang kasabihan sa lahat ng dako, sa mga tao, na ang aAnak ng Diyos ang bnagbayad-sala sa kauna-unahang pagkakasala, kung saan ang mga kasalanan ng mga magulang ay hindi maaaring ipasagot sa mga ulo ng mga canak, sapagkat sila ay buo mula pa sa pagkakatatag ng daigdig.
  55 At ang Panginoon ay nangusap kay Adan, nagsasabing: Yayamang ang iyong mga anak ay ipinaglihi sa kasalanan, maging kapag sila ay magsimula nang lumaki, ang akasalanan ay nabubuo sa kanilang mga puso, at kanilang matitikman ang bpait, upang kanilang matutuhang pahalagahan ang mabuti.
  56 At ibinigay sa kanila na malaman ang mabuti sa masama; anupa’t sila ay amalayang makapipili sa kanilang sarili, at ako ay nagbigay sa iyo ng isa pang batas at kautusan.
  57 Dahil dito, ituro ito sa iyong mga anak, na ang lahat ng tao, sa lahat ng dako, ay kinakailangang amagsisi, o sila sa anumang paraan ay hindi makamamana ng kaharian ng Diyos, sapagkat walangbmaruming bagay ang cmakatatahan doon, o makatatahan sa kanyang kinaroroonan; sapagkat, sa wika ni Adan, dTao ng Kabanalan ang kanyang pangalan, at ang pangalan ng kanyang Bugtong na Anak ay eAnak ng Tao, maging si Jesucristo, isang makatarungang fHukom, na paparito sa kalagitnaan ng panahon.
  58 Samakatwid, ako ay nagbibigay sa iyo ng isang kautusan, na malayang ituro ang mga bagay na ito sa iyong mga aanak, nagsasabing:
  59 Dahil sa paglabag ay sumapit ang pagkahulog, kung aling pagkahulog ay nagdala ng kamatayan, at yayamang kayo ay isinilang sa daigdig sa pamamagitan ng tubig, at dugo, at ng aespiritu, na aking nilikha, at sa gayon ang balabok ay naging isang kaluluwang may buhay, gayon man kayo ay kinakailangang cisilang na muli sa kaharian ng langit, sa dtubig, at sa Espiritu, at malinisan sa pamamagitan ng dugo, maging ng dugo ng aking Bugtong na Anak; upang kayo ay mapabanal mula sa lahat ng kasalanan, at emagtamasa ng mga fsalita ng buhay na walang hanggan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating, maging ang walang kamatayang gkaluwalhatian;
  60 Sapagkat sa pamamagitan ng atubig inyong sinusunod ang kautusan; sa pamamagitan ng Espiritu, kayo ay bbinibigyang-katwiran, at sa pamamagitan ng cdugo kayo ay dpinababanal;
  61 Anupa’t ito ay ibinigay upang manatili sa inyo; ang patotoo ng langit; ang aMang-aaliw; ang mga mapagpayapang bagay ng kawalang-kamatayang kaluwalhatian; ang katotohanan ng lahat ng bagay; yaong nagpapasigla sa lahat ng bagay, na nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay; na nakaaalam ng lahat ng bagay, at nagtataglay ng lahat ng kapangyarihan alinsunod sa karunungan, awa, katotohanan, katarungan, at kahatulan.
  62 At ngayon, masdan, sinasabi ko sa iyo: Ito ang aplano ng kaligtasan sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng dugo ng aking bBugtong na Anak, na paparito sa kalagitnaan ng panahon.
  63 At masdan, ang lahat ng bagay ay may kani-kanyang kahalintulad, at ang lahat ng bagay ay nilalang at nilikha upang amagpatotoo sa akin, kapwa mga bagay na temporal, at mga bagay na espirituwal; mga bagay na nasa langit sa itaas, at mga bagay na nasa lupa, at mga bagay na nasa loob ng lupa, at mga bagay na nasa ilalim ng lupa, kapwa sa itaas at sa ilalim: lahat ng bagay ay nagpapatotoo sa akin.
  64 At ito ay nangyari na, nang ang Panginoon ay nakipag-usap kay Adan, na ating ama, na si Adan ay nagsumamo sa Panginoon, at siya ay tinangay ng aEspiritu ng Panginoon, at dinala sa tubig, at inilubog sa btubig, at iniahon mula sa tubig.
  65 At sa gayon siya nabinyagan, at ang Espiritu ng Diyos ay napasakanya, at sa gayon siya aisinilang sa Espiritu, at nabuhay ang bpanloob na pagkatao.
  66 At siya ay nakarinig ng isang tinig mula sa langit, nagsasabing: Ikaw ay anabinyagan ng apoy at ng Espiritu Santo. Ito ang bpatotoo ng Ama, at ng Anak, magmula ngayon at magpakailanman;
  67 At ikaw ay alinsunod sa aorden niya na walang simula ng mga araw o wakas ng mga taon, mula sa lahat ng kawalang-hanggan hanggang sa lahat ng kawalang-hanggan.
  68 Masdan, ikaw ay akaisa ko, isang anak ng Diyos; at sa gayon maaaring ang lahat ay maging aking mga banak. Amen.