Miyerkules, Oktubre 5, 2011


ANG PAGLIKHA NG MUNDO

Inisip ng Dios na bago siya magsimula sa paglikha ng anomang bagay ay magkaroon siya ng isang kasangguni na makakatulong. Sa kaniyang pag-iisip ay sumipot sa kanyang ulo ang limang TITIK na may sinag at nagni ningning sa anyo ng limang talulot ng isang mayuming bulaklak. Ang bulaklak na ito ang tinatawag na GUMAMELA CELIS na ang ibig sabihin ay BULAKLAK ng LANGIT, o bulaklak ng mundi ( ROSA MUNDI ) , at ang limang titik na nabanggit ay dili iba kundi ang matamis na pangalang M-A-R-I-A, na sa wikang Siria ay MIRIAM na ang kahulugan ay KATAASTAASAN. Nang hindi pa ginagamit ang pangalang MARIA, BULAKLAK lamang ang tawag ng Dios sa naging kauna-unahang bunga ng kaniyang pag-iisip. Ang unang inihanda ng Dios na pasimula ng kanyang paglikha ay ang IMPIERNO o AVERNI na nasa ibaba at dakong kailaliman. Ganito ang sabi niya sa BULAKLAK : ’’Ikaw muna ay aking iiwan, bantayan mo ang aking Kaban ng Tipan na huwag mong pangangahasang buksan, at kapag hindi mo sinunod ang aking bilin sa iyo ay mananaog ka sa aking gagawing lupa at magpapakasakit upang tipunin ang mga sumabog at nangawalang virtud“. Nang masabi ng Dios ang gayon, ay nanaog na siya sa kailaliman upang ihanda ang isang malungkot na tahanan ng kanyang mga piling Arkanghel na lilikhain na magsusuwail sa kaniya. Nang maka-alis na ang Dios ay binuksan ni Bulaklak ang nasabing Kaban ng Tipan sa hangad na makilala ang katotohanan at katuparan ng mga sinabi sa kanya. Ng mabuksan na ang kaban ay biglang lumabas ang tatlong letrang “B“ na may mga pakpak at nagsilipad. Ang tatlong titik na nabanggit ay ang BAM BAU BIM na tatlong salitang kung sabihin ay TRES VIRTUDES na lubhang mahimala at makababalaghan. Ng magkagayon ay biglang isinara ni Bulaklak ang kaban, subalit ang tatlong “B“ ay nakalabas na at hindi na niya nakita. Ng dumating ang Dios buhat sa kailaliman, ang sabi sa Bulaklak ay ganito : “Ngayon ay matutupad sa iyo ang aking sinabi na mananaog ka sa lupa at magpapakasakit“. Ginawa na nga Dios ang PLANO o ang ANYO ng kanyang mga lilikhain at gagawin: tubig, apoy, hangin, lupa, langit, mga kahoy at halaman, mga tao at mga hayop, araw, buan at bituin, ngunit una at higit sa lahat ay ang mga banal na Espirito na kakatulungin niya sa paglikha at paggawa. Ng mayari na ang nasabing PLANO, ay ipinakita ng Dios kay Bulaklak na kaniyang kasangguni at sinabi naman nito na tumpak at mabuti kung Espiritual, ngunit kailangang baguhin ang iba kung gagawing Material , sapagkat ang plano ng Dios, ang malalaking kahoy at ang maliliit at mabababa ay maliliit naman ang bunga.. Sinabi ni Bulaklak na kung ang mga kahoy na yaon ay ilalagay sa lupa ay kailangang ang lalong malalaki at matatayog ay siyang dapat bigyan ng maliliit na bunga, at ang maliliit at mabababang halaman at gumagapang sa lupa ay siyang dapat bigyan ng malalaking bunga, matataas ay malalaki ang bunga, sapagka’t sinabi ni Bulaklak na ang matatayog at malalaking kahoy ay sisilungan ng mga tao hayop kung nadadarang sa init ng araw, at kung ang malaking bunga ng kahoy ay mahinog at hindi makaya ng tangkay at malaglag at sa pagkakataong ito ay may taong nakasilong at mabagsakan ay maaaring mamatay o mapinsala ang tao, kaya’t ito ay dapat baguhin ang sabi ni Bulaklak. Ito ang kauna-unahang pagsira ng Dios sa kanyang mga nilikha, ang sabi sa Banal na Kasulatan.
Ginawa ng Dios ay binago. Ang malaki at matayog ng kahoy ay siyang pinapagbunga ng maliit, at ang maliliit na halaman ay siyang pinapagbunga ng malalaki, ayon sa payo ni Bulaklak. Ng nakahanda na ang lahat ay inisip ng Dios na likhain na ang kanyang mga kakatulungin. Ng siya’y nag-iisip ay bigla siyang pinawisan sa taguilirang kanan, at ng kanyang iwaksi ang labing anim na wisik ng pawis ay naging labing anim na Espiritu. Muli siyang pinawisan sa taguilirang kaliwa at walong butil na pawis naman ang sumipot at ng iwaksi ay naging walong Espiritu rin. Ganyan ang sabi sa kasay-sayan. Sa dalawampu’t apat na ito ay hinugot niya ang tatlo na magsisiganap at tutupad sa kanyang ginawang plano. Ito ang tinatawag na tatlong makapangyarihang EVELATOR EVETEMIT AVETILLO. Ito ang Tatlong Personas o Santisima Trinidad na nag-usap upang pasimulan ang paglikha.
Nang nag-uusap na ang Tatlo ay nakatanaw sila sa malayong malayo sa dakong kailaliman, ng tatlong liwanag na nagniningning na tumataas at patungo sa dakong kinalalagyan nila. Ang buong akala ng Tatlo ay sila lamang ang una at sila lamang ang Dios, ngunit ng makakita sila ng iba ay sumaloob nila na may iba pang Dios na katulad nila. Ang nasabing liwanag ng malapit sa tatlong nag-uusap ay tumapat ang isa sa bawa’t isa at ng kanilang mamasdan ay tatlong titik na nagniningning na S.T.M. na ang sabi sa kasaysayan ay SAU TUM MUP na naging tatlong bato na kanilang uupulan. Ng sila’y uupo na, ay nakita nila sa ibabaw ng bawa’t bato ay may tig-isang salitang nakasulat na ARDAM ARADAM ADRADAM . Ang tatlong salitang ito ang ay siyang tunay na pangalan ng Tatlong Personang nag-uusap. Ang mga pangalang ito ay dapat ilihim at hindi dapat sabihin kundi doon lamang sa karapat-dapat pagsabihan.
Sa pag-uusap ng tatlo ay pinagkaisahan nila na gawin at palitawin ang lupa, subalit ng lumitaw ang lupa ay gayon na lamng ang kanilang pagtataka at panggigilalas sa kanilang nakita na pitong bakas na hindi nila maubos malirip kung bakit nagkaroon ng gayon ay hindi pa sila lumilikha ng tao, kaya’t inisip nila na hanapin upang makilala kung sino-sino ang mga may bakas niyaon. Sa kanilang paglalakad ay natagpuan nila ang nasabing pito, subali’t ng tanungin nila upang makilala ay ayaw magsabi ng kanilang pangalan, at ang sagot pa sa tatlo ay wala silang paki-alam sa kanila at sila’y hindi nila nasasakupan. Sa sagot na ito ay umalis ang tatlo at iniwan na ang pito upang magbalik sa kanilang upuang bato, ngunit sa pag babalik nila ay nakatanaw sila sa malayo ng dalawa katao na hindi rin nila mapagsino, Totoong nagugulumuhanan ang tatlo sa nangyayaring ito, kaya’t ang ginawa ng tatlo ay nilapitan ang dalawang nakita at kanilang tinanong, subali’t ang sagot ng dalawa ay kagaya rin ng pito, na hindi sila dapat paki-alaman at sila’y hindi nila nasasakupan, at ang sabi pa sa kanila : Ng hindi pa yari ang sangtinakpan, gumawa na kami ng aming sariling tahanan, sa litid ng mundo kami tumatahan. Sa sagot na ito ay iniwan na ng tatlo ang dalawa upang magtuloy sa kanilang upuan at magpatuloy na sa kanilang paglikha at paggawa. Pinagkayarian ng tatlo na gawin ang liwanag na tatanglaw sa sangsinukob, at sinimulan na nga nila ang paggawa sa araw. Nang mayari na nila ang araw ay hindi nila mabigyan ng lubos na liwanag, ng ningning at ng init. Walang ano-ano ay nakarinig sila ng isang tinig na nagsasabi na ang tanging makapagbibigay ng kailangan nila sa araw ay ang matandang babae na kanilang nakita na tumatahan sa litid ng lupa, kaya ang ginawa ng Ama ay inutusan ang Anak sa sinasabing matandang babae upang hingin ang kanilang kailangan. Ng lumakad na ang Dios anak ay biglang nagdilim ang dinaraanan at hindi malaman ang patutunguhan kaya’t siya’y napatigil at sa pagtigil niya ay may tinig siyang narinig na nagsabi sa kanya na ganito ang iyong sabihin upang magliwanag at ng makita niya ang kaniyang dinaraanan . Ang salita ay ganito : LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC. Ng ito’y masabi ay biglang nagliwanag ang kanyang daraanan, kaya’t siya’y nagpatuloy. Ng siya’y dumating sa litid ng lupa na tinatahanan ng nasabing matandang babae ay tumawag siya, ngunit walang sumasagot bagama’t nararamdaman niya na may mga tao sa loob. Ng siya’y ayaw buksan at ang matandang babae ay hindi niya makausap,, ay nagbalik siya sa Amang nag-utos upang ipagbigay-alam ang nangyari. Ng matanto ng Ama ang nangyari ay pinabalik ang Anak at ang bilin niya pagdating sa pinto ng tahanan kueba ng malanda ay ganito ang sabihin: “Credo de la Sanctisima Trinidad Virgen Muy Poderoso Sumitam Rey de los Erejes Tartan Sancta Emerenciana, Mibat Miallarat Jesus Virgen Maria Isumo Benedictus Crucis, Oh Deus Imitam Imibuyos Deste Allisum Seram Calabarian Apocalipsis Hoc Est Enim Corpus Meum, Et Incarnatus et de Spirito Sancto,
Natus Ex Maria Virgine Et Emo Cactus est et crucifixus: Sancta Emerenciana, Santo Ustolano. Sancto Algamo, Sancto Mitam Sancto Solamitam , Sancto Icam Sancto Demicallote Sancto Demillorus, Adveni Dissimo Loctuos , Sancta Mitam Ceram Balambam Guntillan Mujer Angelitam Singratam Obalam Tantan. Sancto Magob, Santo Macob, Sancto Marob, Santo Yubuob, Santo Lib Sto. Loctorum, Jesus Sancto Sancto Baclorum”
Nang dumating ang Dios Anak sa pinto nang nasabing kueba aytumawag siya sa matandang babae at ng siya’y ayaw buksan ay sinambit ang mga salitang sinabi ng Ama. Matapos niyang banggitin ang mga nasabing pangungusap, ang pinto ng kueba ay biglang nabuksan at lumabas ang matandang babae. Sinabi ng Dios Anak ang kanyang sadya, at ipinagkaloob naman ng malanda ang hinihingi ng anak ng Dios. Dumukot ang matandang babae sa kanyang sukbitan at isang bubog na nagniningning ang ini-abot sa Dios anak, at ang bilin ay ikuskos ang nasabing bubog sa mukha ng araw upang magliwanag at magkainit. At gayon nga ang ginawa ng Dios Anak, ikinuskos sa mukha ng araw, at ang araw ay uminit, nagningning at nagliwanag.
Nasa ganitong kalagayan ng sila’y makarinig ng isang tinig na hindi nila mapagsiya, kaya’t kanilang sinundan at ng kanilang abutan ay isang ulilang liwanag ang kanilang nakita. Tinanong nila kung sino siya at ang sagot sa kanila siya’y mata, at biglang lumagapak sa kanilang harapan ang isang matang may pakpak. Nang kanilang dadamputin ay biglang lumipad ang matang may pakpak at kanilang hinabol hanggang sa gitna ng dagat . Ang matang tumalsik ay biglang nabasag at naging tatlong piraso na naging tatlong isda at sa katawan ng bawa’t isa ay nakasulat ang tig-iisang salita na ARAM ACDAM ACSADAM. Nang sundan ng tatlong Personas ang talong isda ay biglang lumubog at nawala at naging tatlong batong lumubog sa pusod ng karagatan. Sinundan din ng tatlong Personas at hindi hinihiwalayan hanggang sa sila’y sumapit sa kaibuturan ng dagat. Ng sila’y sumapit sa lugar na yaon, ay nakakita sila ng isang malaking bato at sa libis ng nasabing bato ay may isang matandang naglalakad, at siya ay kanilang sinundan at ganito nga ang sabi sa Kasaysayan.
Nang ang Tatlong Persona’y naglalakad sa kaibuturan ng dagat, nakasumpong sila at nakamalas, isang matandang naglalakad sa libis ng bato ARA ang pamagat. Sa gayon ang Dios Ama ay nangusap SANCTUS DEUS, Ang Dios Anak ay sumagot SANCTUS FORTIS, Ang Espiritu Santo’y nagsulit SANCTUS IMMORTALIS, ngunit may sumagot na boses wika’y MISERERE NOBIS. Ang Tatlo’y lumingon pagdaka sa boses na nagbadya, aba anong katakataka, tayo pala’y may kasama. Halina’t ating hanapin at ng ating masumpungan, nang matagpuan ang matandang sinusundan sa bato’y nasok pagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Nang ang langit ay masarhan sa Nunong pinasukan sa tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ito ang ipinahayag sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas . LIMBOR CALICATAB SANCTO TITAB ET LLAVIS SARAC. Ito ang ibubukas mo sa pinto ng Paraiso sa tabi ng Getsemani kung ang pinto ay sarado : ARAM MANLA MANGGASAC CALINABOC CALICABOC MORTALITAEM SALOCTIL, ALICATAB CALARCAR CATARCAR SANCTO PATER TRITIYO. Ito ang ibubulong mo sa pinto nang makaitlo : RITUIT GARITDIT LARUIT LAYARIT LAMBICUB LARICUB CALICUB.
Nang ang bato ay masarhan sa Nunong pinasukan sa Tatlong Personang mahal walang makabukas sinoman. Ginawa ng Tatlong Personas sa langit agad umakyat, tumuntong sa alapaap at sila ay nangag-usap. At kanilang sina sambit yaong wikang matatamis : SANCTUS DEUS, SANCTUS FORTIS, SANCTUS IMMORTALIS sumagot na naman ang boses wika’y MIERERE NOBIS. Pinaghanap na pilit ng tatlong Dios sa langit, kaya’t ang sa Amang sulit hanaping pilit ang boses. Ang Anak ay inutusan na hanaping pagpilitan. Sa kanilang pag-uusap biglang sumipot ang liwanag sa ulunan ng Tatlong Personas at Yaon ang ika-apat. Agad ipinahabol na ng abanal na Dios Ama kay Jeus na anak niya di inabot at di nakita at di nakita. Sa kanilang paghahabulan ang matanda ng abutan doon sa bato OMO ang ngalan matanda’y nasok pagkuan. Yaong batong pinasukan walang pintong dinaanan, ang bato’y saan man tingnan buo at parang hininang. Ng ang bato ay masarhan sa matandang pinasukan, walang makabukas sinoman . . . Poon kungdi ikaw po lamang . . . , Sabi ni Yesus na mahal, kita ngayo’y bibinyagan, matanda’y tumugon na ganito ang isinaysay BENEFICAT DOMINUS ANGELIS ENCIELIS DEUS CONSUMATUM E S T JERUSALEM DEUS MEUS SPIRITO SANCTO SALVAME CHRISTI. Ang tugon naman ni Jesus : INSILIS DOMINUS NON SOLO DEUS VERBO BENEFICATIS INDIGNUM CRISTUM SANCTORUM MANIBUBULOS SALVAME. Ang sagot naman ng nasa loob ng bato : BENEDICTUS TUIS CRISTO JESUS CONSUMATUM MISIN DEUM INDIGNUM CRISTUS CRISTUS DEUS MEUS INDIGNUM CRISTUM EGOSUM . Ganiyan ang sagot ng nuno sa Apo ng siya’y naroon sa loob ng bato katawa’y malata parang nanlulumo, sa pagkakaupo doon sa bato OMO. Ang Nuno’y ayaw pasakop kaya nagwika si Jesus : EGUM MURMURAB MOCTULAN EBOC DINOS . Sumagot naman ang nasa loob: SANCTUS TUI ILLOS ASAUPATER NOBAY S A N C T O MEAM SANTO LEAM BIHAB BISAC LAMPAS TALARAPAS ang pinto ay iyong ibukas . LAMBUCANUS . Yaong batong nasasarhan ay bumukas kapagkuan, ang Nuno’y sas itaas nagdaan, kay Jesus ay di namalayan. Ganito naman ang saad sa Nunong ipinangusap ng ang bato ay bumukas at lumabas sa itaas : PATER SANCTO ACAB PATER SANCTO HIRVIL EMUGAN PONTIFICE PILATI OMO USO OMO . Noong lumabas sa bato ang Nunoong Infinito, ang kaniya naman tinungo ang masayang Paraiso. Sinundan kapagkaraka, ng banal na Tatlong Persona at doon nila nakita liwanag na kaaya-aya. Ng dumating ang Sagrada Pamilia sa pinto ng Paraiso, ay nakatanaw sila ng isang maligayang liwanag na walang katulad, at sa gitna ng nasabing liwanag ay naka-upo ang Infinito Dios sa kanyang dakila at kamahal-mahalang trono. Nang mamalayan ng Infinito Dios ang ninanais ng Sagrada Pamilia na makalapit sa kanya upang siya’y binyagan, ay agad sinabi ang ganito : CUIVERITATIS VERBUM EGOSUM . Sa winikang ito, ang Sagrada Pamilia ay napatigil at hindi nakatuloy, kaya’t si Jesus ay nagwika naman . Oh makapangyarihang MILAM haring tinatawag ng mga erejes, ako’y naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng matalos ng Infinito Dios ang gayong sinabi ni Jesus, ay nangusap naman siya ng ganito: HIPARO DEL RAPTO SIGIT HIPARO SIGIT. Ng ito’y masabi ay biglang naparam sa kanilang mga mata yaong maligayang liwanag, sampu ng Infinito Dios ay hindi nila nakita, kaya’t muling nagwika si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM haring pinopoon at Dios ng mga erejes , ako ang ikalawang Persona na naparito sa iyo upang ikaw ay aking binyagan. Ng ito’y marinig ng Infinito Dios ay biglang nagtindig sa kanyang pag-up sa luklukang trono at habang siya’y lumalakad ay ganito ang sinasabi : SARJAS GUIMPAS RATAL MACAGUIMPAS SUPLENT SAVATOR . Naramdaman ng Sagrada Pamilia na ang Infinito Dios ay lumabas sa Paraiso ngunit hindi nila nakikita kingdi naririnig lamang nila ang yabag ng mga paa at sila ay natigilan at hindi nakasunod agad, ngunit ng kanilang sundan ay nakasapit na ang Infinito Dios sa bundok ng Boord. Ng sila’y dumating sa nasabing bundok, ay nabasa nila na nakasulat sa mga dahon ng kahoy ang dalawang letra na L.M. at ang Infinito Dios ay nakapasok na sa loob ng nasabing bundok. Sa ganito ay nagsalita na naman si Jesus : Oh makapangyarihang MILAM hari ng mga Erejes, ako ang abang sanpascual na parito sa iyo upang ikaw ay binyagan. Ang Infinito Dios ay sumagot: MAIGSAC EIGMAC . Sa winikang ito ay nalinlang ang paningin ni Jesus at hindi niya makita ang Infinito gayong nasa tabi lamang niya, kaya’t si Jesus ay nagwika ng ganito: HUGARE NUGHUM . Sa winikang ito ni Jesus ang Infinito Dios ay biglang sumuling-suling at hindi maalaman ang kanyang patutunguhan ngunit siya’y hindi hiniwalayan ni Jesus at siya’y sinundan at pinaki-usapann na pabinyag upang maging binyagan at maraming bagay ang ipinangangako ni Jesus sa lupa at sa langit man kung tatanggapin niya na siya ay pabinyag.
Nang maramdaman ng Infinito Dios ang nangyayaring ito sa kanya, ay biglang nagwika ng : CUIVERITATIS VERBUM BULHUM. Ng ito’y masabi si Jesus ay hindi makapangusap, kaya’t ang Amang nag-utos kay Jesus ay biglang nagwika naman PROCULTIS BOHOB . Ng ito’y masabi ang Infinito Dios ay hindi makakilos, kaya’t nagwika naman siya SUPNERIT HULHUM MALAMUROC MILAM at siya’y nakagalaw at biglang sinunggaban ang isang batong sillar na ang bigat o timbang ay may isang daan at limampung arroba at nasa’y ipalo kay Jesus, kaya’t biglang sinabi ni Jesus ang IGSAC at ang dalawang kamay ng Infinito Dios ay hindi makagalaw, at saka isinunod ang IGMAC at biglang nabitawan ang hawak na bato, at saka sinundan ng IGOT HUM at ang Infinito Dios ay biglang nalugmok sa tinutuntungan bato na may ilang sandali, ngunit ang ginawa ni Jesus ay ibinalik ang pangungusap at ang Infinito Dios ay pinagsaulan nang malay. Ng makita ng Infinito Dios ang nangyayaring ito sa kanya ay biglang sinambit ang kamahalmahalan niyang pangalan na LAMUROC MILAM . Ito‘y isinigaw nang ubos-lakas ng boses na kagulat-gulat at biglang nagdilim ang sangtinakpan at lumindol ng malakas, subalit ng makita ng mahal na Virgen ang nangyayaring ito ay biglang sinambit ang MAGSIAS BOLHUM at biglang tumigil ang lindol, napawi ang dilim at biglang nagliwanag. At si Jesus naman ay biglang nagwika ng PACTENIT EGOLHUM . Ng ito’y masabi ang Infinito Dios ay biglang lumubog sa tinutuntungang bato at hindi makakilos na parang ilagay ng dagat na parang nakanaengkanto, at inisip ni Jesus na bitin , ngunit ang mahal na Virgen ay nagsalita naman ng ganito: EDEUS GEDEUS DEDEUS DEUS DEUS DEUS EGOSUM GAVINIT DEUS, at hindi na natuloy ang ang iniisip ni Jesus ng ito’y masabi ng Mahal na Virhen. Ang ginawa ni Jesus ay pinaki-usapan ang Infinito Dios kaya’t ang sabi :
ELIM - katawang pagka-Dios,
ENE MANUM – baras ng pagka-justicia, ako’y naparito sa iyo,
EXIAS - ikaw ay pabinyag
ESUI ESUPERATIS EXIANIBUS – sa pangalan ng Ama, Anak, at Espirito Santo, sumang-ayo ka sa akin.
Ang sagot ng nasa loob ng bato:
NUCCIUM – hindi ako papayag
HUCCICIM – walang pangyayari
NAUPTRIS - sino ang iyong Ama,
HUCSIUM – sino kang naparito at sinong nag-utos sa iyo,
NATUS – ako ang Ama ng iyong amang tinuran
HUCCIANI – ako ang unang lumitaw,
NUCAM DEI – Isang Dios na nanghahawak at dapat pagkunan ng kapangyarihan.
Ang sabi ng Dios Anak:
ETSAC ECATUM MANUM DEI – ako ang Anak ng Dios na dapat sundin
EMPURO MECATIONEM – hari ng langit at lupa
IN DEI – Dios na walang katapusan na kina-uuwian ng lahat ng bagay, wala kungdi ako at ang Ama ko lamang, ang dapat magbinyag upang mapasok ka sa aking bakuran.
Ang sagot ng nasa loob ng bato :
SERICAM – hindi ka dapat maki-alam
SERIORUM – sa hindi pumapasok
SURTIS SURTIS - sa lumalabas sa iyong bakuran
MICCIONEY – ako ang Dios na dapat sundin.
CECATUM – ikaw ang bibinyag
HUC DEI – ako ang siyang marapat
Ang sagot ng Dios Anak:
ENATAC EXANTIUM MORUM – ikaw ang Ama ng hindi binyagan, hindi ka dapat mapasok sa pinto ng kalangitan
ENTIO GETILE MEA TI MEA – kung hindi ka papayag na sa akin ay pabinyag,
CORPOREMENTE L E S T I CATUM – hindi ka masasakop ng aking katawan at kapangyarihan, ako ang nagtatangan ng ilaw at kalangitan.
Ang sagot ng I. Dios:
LUXIM – Ako ang Ilaw
MORIM – ng kalangitan
MURANI – magbubukas at bubuksan,
MONA MONIM – na naghahawak
MONA MONIM - na naghahawak ng lahat ng bagay.
Ang sabi ng Dios Anak :
EXIAM MIRAM – ikaw ay pabinyag sa pangalang iyan at ang sinomang tumawag ay hindi dadanas ng anomang hirap sa kabilang buhay,
REX MIRANO – tatawagin kang ikalawa sa aking katawan,
ENERIUM MATAM – sa pangalang ng aking Ama,
ENRICAM MITAM – Sa pangalan ng Espirito Santo,
ENSUTIO MICAM – Sa kapangyarihan ng Santissima Trinidad, ang siya kong ibibinyag sa iyong katawan, Dios sa mula at sa walang hanggan, na walang katawang pagka-Dios.
Ang sagot ng nasa loob ng bato:
UNIEM – ako ang Santisima Trinidad,
UNNUM – lumabas at nilabasan
CANANUM – na nagbibigay ng kapangyarihan,
Batum – Dios na hindi matarok,
UBCATUM – Isang Dios na tunay, at kayo ang Bait, ang Loob At Ala-ala.
ACSIBIT CORPORE TRINITATIS SICUT DEUS ,
ganyan ang sinabi ng Nuno bilang pasang-ayon sa hangar ng Apo.
LUTME LOS SALVATOR ET CONFUNDE HOC SUTAM TRINITATIS TUI ET SANCTI EVAE LI .
Ako’y pabibinyag sa kapangyarihan ko at sariling lakas, ngayon ako ay papayag, sundin mo balang ipangungusap :
LUTME – walang mahuhulog
ESMATIBAL – walang kahirapan,
SALUTIS GENTELISE MICAM – ni dilim walang dadaanan, sabog ang impierno ang limbo ay waray, mabuksan ang langit ako ang dadaan.
ESNASOC - aking isusuot,
ESNAVAT – daliri ko sa labas
EVEVAT – ako’y pabibinyag, sa pangalan ko rin doon magbubuhat,
MACMAMITAM M A E M P O MAEM – ako’y isang Dios sa Ama, sa Anak,, sa dunong, kapangyarihan at lakas, tatawaging Dios na Tatlong Personas.
Ang sabi ng Dios Anak:
EGO TE BAPTISE MACMAMITAM MAEPOMAEM IN NOMINE PATRIS ET FILI ET SPIRITUS SANCTI EGO SUM DEUS TURBATUS.
Ng ito’y masabi ng Dios anak ay biglang nagwika ang Infinito Dios :
SUBTIHOY MIDAD INSALIDAD QUILIMIDAD - dito sa winikang ito, nawalang bigla ang tatlo, lumubog umalis sa tatlong mundo nahawi sampu ng bato, humarap ang tatlo Ama , Anak , Spirito Santo
-- MACMAMITAM MAEMPO – Ejercitos at Gloria ng Pitong MAEM, Senor Dios de los Mundo. A. V.
- Haring walang pinagmulan, at hari ng punong pinagmulan, at hari ng hari ng lahat ng hari:
FEISUM EISUM CEISUM FECSUM TRI-ENICIM TRICNISUM H U R I C CIUM FURIM FERICCIUM HUCCIUM .
Bago umakyat sa langit ang Tatlo, ay nag-iwan muna ng dalawang salita na dili iba’t ang kanyang lihim na pangalan M.M. at ang sabi niya ay ganito : Ito ang iniwan kong pangalan sa lupa noong ako’y maengkanto sa bundok ng Boor, at ng umakiat ang tatlo ay itinuro kay Jesus ng Ama ang pangalan n I. D. Na nakasulat sa sikat ng araw at doon sa ibabaw ng sinag ay nakasulat ang mga salitang:

PAX TIBI DOMINE
DEUS NORUM
DEUS NORAM
DEUS NOCAM
DEUS MEORUAM


Tangi dito, ay nag-iwan pa siya dito sa lupa ng dalawampu’t apat na pangalan ng dalawamput apat na matatanda na nakapalibot sa Dios Ama sa langit na kaitaasan. Ito ay ang mga sumusunod :

1.HAVET
2.ANORETERCUM
3.HAECJAM
4.GESTABATOLNISE
5.NONEDEMITE
6.PLAUSUCINTER
7.ASPIANTEDIVO
8.ARASUPILLA
9.NUBESUBDENSA
10.MONSTRUMTE
11.LETHALIBURNOS
12.ELEJETIBUS CURUM
13.AMATVIDERI
14.GENSDURA
15.NUDANTUROSA
16.ARUMDUDATOR
17.SUBJESTUS DESYT
18.MOATALITATIR DEDERIT
19.LUISISERORBE
20.TREMENDA CUJUS
21.SUSPONTE SUMJESIT
22.PENDENTIS DEI
23.NOENDECIM
24.GRACAEGO


H.A. H.
A.B. A. C.
HOCMITAC AMINATAC HIPTAC
ATUM BEM ATAIR CIEM
U.R. G. U. M.
UYABITGALINAM UNTAR
RESUREXIT MULATAS

1. HOCMON
2. AMOAM
3. HUBAM
4. GRENTE
5. NENATAC
6. PAMPANABAD
7. ACMULATUM
8. AGUECA
9. NUMCIUM
10. MULATOC
11. LUMAYOS
12. ESNATAC
13. ABRICAM
14.GENTIUM
15.NATAUME
16.ANIMASUA
17.SERICAM
18.MATAMORUM
19.LAUSBAL
20.TUMATUM
21.SUAM
22.PETRUM
23.NATUM
24.GENTILLORUM

Sa araw at Buan, ito ang pinagkaisahan ng sila ay bigyan ng kaliuanagan dito sa ibabaw ng lupa: Inang MURLILUAC SIACTIS S A N C T U S
PRONOBIS SANCTUS LUMAGOS.
Ito ang pinagkaisahan ng apat na Angel na iyong kakasamahin sa iyong pagpasok. Ito ang inawit ng nag buhat sa dagat SALVUM POPULUM PACPACTUM OARUM ANGELUM SALBIM PIPILIM SARIOLIJIM DOMINI TUORIM IMPIRITATUM, Inang MURLIM ako’y papasok. QUEM SALVATO TRINITATO, sa Amang Santo BEATO.
Ito ang pinagkaisahan ng Araw at Buan ng sila’y lumapit sa kabilang mundo, ay walang makapangyarihan kungdi sila lamang.
YLUJO YRAYIS YLAGLORIA
LIHIS TAGUITAC SAGRANATAC PAPARONATAC UP MADAC * ABO NATAC
Buksan ninyo ang pinto at kami’y papasok.
Ito ang winika ng Ina ng araw ng siya’y pumasok sa kailaliman sa kaibuturan ng Santong kalihiman: TRAGUIBOG YNCIRIOT TIBOG VIHAB CALICUB TALTABOG TRITALIS ACOARUG SANTILAC.
Ito ang winika ng Ama ng Buan ng siya’y lumapit sa kailaliman sa kaibuturan ng Santong kalihiman:
QUIM TATRATIRUM SALBUM INTRITORIUM SALAMPAT SALUMPAT.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento