Miyerkules, Oktubre 5, 2011

LIBRO


MAIKLING TULA NG KASAYSAYAN




NANG HINDI PA YARI ANG LUPA AT LANGIT,
PANGALANG YàHUHà’Y NASA UlòNG ISIP
NA MAG-AARUGA AT MAGTATANGKILIK
ANG MAGIGING PASTOL NITONG SANDAIGDIG.




NANG GAWIN NG AMA NA PUNONG MARANGAL
ITONG BUONG MUNDO NA KANYANG NILALANG,
AY ARAW NG LINGGO NANG ITO AY MULAN
MABILOG NA LUPA’T MALAPAD NA PARANG.




NANG KINABUKASAN NG ARAW NG LUNES
AY SIYANG PAG-GAWA SA MAGANDANG LANGIT
SAKA NAMAN YAONG ELEMENTONG TUBIG
NA MAY’RONG MATABANG, MA-ALAT, MAPAIT.




NANG ARAW NG MARTES AY SIYANG PAG-LIKHA
SARI-SARING HAYOP AT HALAMANG MADLA
YAONG TANANG HAYOP NA NAGSISIGALA
TALAGA NG POON SA TAO’Y BIYAYA.




ARAW NG MIYERKULES GINAWANG SARILI
ANG ARAW AT BUWAN BITUING MARAMI
YAONG TANANG TALANG SA LANGIT PAMUTI
NAKALILIWANAG NITONG BUONG ORBE.




NANG ARAW NG HUWEBES ISINUNOD NAMAN,
SARI-SARING IBON NA NAGLILIPARAN
ITONG TANANG ISDANG SA TUBIG ANG TAHAN,
SA TAO’Y TALAGANG PAKIKINABANGAN.




NANG ARAW NG BIYERNES ANG SABI SA LIBRO,
BILANG IKA-ANIM NA ARAW NA HUSTO
AY SIYANG PAG-GAWA’T PAG-LIKHA SA TAO
NUNO NATING ADAM SUMA-PARAISO




APAT NA BAHAGI NG MUNDO’Y KINUNAN
NANG AMA AT SAKA BINUONG-KINAPAL;
DAKONG SILANGANAN AT SA KALUNURAN
TIMUGAN SAKA ANG HILAGA DIN NAMAN.




SAKA NG MATIPON AT NANG MABUO NA
GINAWANG LARAWAN SA TAONG HITSURA
NILAGYANG DAMDAMIN’T DIWANG MAGPA-PASIYA
SAKA HININGAHAN AY NAGING TAU NA.




ARAW NG SABADO NAMA'Y NAMAHINGA
SA KANYANG GINAWA'Y NAG-DIWANG MASIGLA
ANG SABI MABUTI ITONG BAWA'T ISA
SA ARAW NG BUKAS PAIINUGIN NA




NAGHIKAB ANG POON NG KINABUKASAN
SA HIKAB ANG LAHAT TUMANGGAP NG BUHAY:
UMIKOT ANG MUNDO LAHAT AY GUMALAW,
HUMIHIP ANG HANGIN IBO’Y NAG-AWITAN.




ANG SABI SA LIBRO YAONG INIHIKAB,
AY KANYANG PANGALAN NA KARAPAT-DAPAT.
YAON NAMANG HINGA NA IPINA-LANGHAP
AY BANAL NA TINIG, NA S’YANG NAGLILIGTAS.




ANO YAONG HINGA, SINO NGA ANG HIKAB
NA PAGPAPALAIN LAHAT NG TATAWAG.
SA SINO MANG TAONG MAKAPAG-IINGAT,
NG AKLAT NA ITO : AY IPAGTATAPAT.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento