Linggo, Oktubre 23, 2011

Kung paano si Satanas ay naging diyablo—Kanyang tinukso si Eva—Sina Adan at Eva ay nahulog at nagkaroon ng kamatayan sa daigdig.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 4
(Hunyo–Oktubre 1830)
Kung paano si Satanas ay naging diyablo—Kanyang tinukso si Eva—Sina Adan at Eva ay nahulog at nagkaroon ng kamatayan sa daigdig.
  1 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nangusap kay Moises, sinasabing: Yaong si aSatanas, na iyong pinalayas sa pangalan ng aking Bugtong na Anak, ay yaon ding nagmula sa bsimula, at siya ay lumapit sa aking harapan, nagsasabing—Masdan, naririto ako, isugo ninyo ako, ako ang magiging inyong anak, at aking tutubusin ang buong sangkatauhan, upang wala ni isa mang katao ang mawala, at tiyak na cakin itong magagawa; kaya nga, ibigay ninyo sa akin ang inyong karangalan.
  2 Subalit, masdan, ang aking Minamahal na aAnak, na aking Minamahal at bPinili mula pa sa simula, ay nagsabi sa akin—cAma, masusunod ang inyong dkalooban, at ang ekaluwalhatian ay mapasainyo magpasawalang hanggan.
  3 Dahil dito, sapagkat yaong si Satanas ay anaghimagsik laban sa akin, at naghangad na wasakin ang bkalayaan ng tao, na ako, ang Panginoong Diyos, ang nagbigay sa kanya, at gayon din, na aking dapat ibigay sa kanya ang aking sariling kapangyarihan; sa pamamagitan ng kapangyarihan ng aking Bugtong na Anak, aking pinapangyaring siya ay cmapalayas;
  4 At siya ay naging si Satanas, oo, maging ang diyablo, ang ama ng lahat ng akasinungalingan, upang linlangin at bulagin ang mga tao, at akayin silang bihag sa kanyang kagustuhan, maging kasindami ng hindi makikinig sa aking tinig.
  5 At ngayon ang ahas ay lalong atuso kaysa alinmang hayop sa parang na ako, ang Panginoong Diyos, ang lumikha.
  6 At inilagay ni Satanas sa puso ng ahas, (sapagkat marami siyang naakit palayo,) at kanyang hinangad ding linlangin si aEva, sapagkat hindi niya alam ang pag-iisip ng Diyos, anupa’t hinangad niyang wasakin ang sanlibutan.
  7 At kanyang sinabi sa babae: Oo, sinabi ba ng Diyos—Hindi ka dapat kumain sa bawat punungkahoy ng ahalamanan? (At siya ay nagsalita sa pamamagitan ng bibig ng ahas.)
  8 At sinabi ng babae sa ahas: Makakakain kami sa bunga ng mga punungkahoy sa halamanan;
  9 Subalit sa bunga ng punungkahoy na iyong makikita sa gitna ng halamanan, ay sinabi ng Diyos—Huwag kayong kakain nito, ni huwag ninyong hihipuin ito at tiyak na kayo ay mamamatay.
  10 At sinabi ng ahas sa babae: Hindi ka tiyak na mamamatay;
  11 Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa araw na kumain kayo niyon, sa gayon ang inyong mga amata ay mamumulat, at kayo ay magiging tulad ng mga diyos, na bnakakikilala ng mabuti at masama.
  12 At nang makita ng babae na ang punungkahoy ay mabuting kainin at ito ay nakalulugod sa mga mata, at isang punungkahoy na amananasa upang magparunong sa kanya siya ay pumitas ng bunga niyon, at bkinain, at binigyan din ang kanyang asawa na kasama niya, at siya ay kumain.
  13 At namulat kapwa ang kanilang mga mata, at kanilang nalamang sila’y mga ahubad. At sila ay magkasamang tumahi ng mga dahon ng puno ng igos at kanilang ginawan ng panapi ang kanilang sarili.
  14 At narinig nila ang tinig ng Panginoong Diyos, habang sila ay anaglalakad sa halamanan, sa lamig ng maghapon; at itinago ni Adan at ng kanyang asawa ang kanilang sarili mula sa harapan ng Panginoong Diyos sa gitna ng mga punungkahoy sa halamanan.
  15 At ako, ang Panginoong Diyos, ay tinawag si Adan, at sinabi sa kanya: Saan ka aparoroon?
  16 At sinabi niya: Narinig ko ang inyong tinig sa halamanan, at ako ay natakot, sapagkat aking natalos na ako ay hubad, at ako ay nagtago.
  17 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi kay Adan: Sino ang nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? Nakakain ka ba ng bunga ng punungkahoy na yaong iniutos ko sa iyong huwag mong kainin, kung magkagayon ay walang pagsalang amamamatay ka?
  18 At sinabi ng lalaki: Ang babaing ibinigay ninyo sa akin, at ipinag-utos na siya ay manatiling kasama ko, siya ang nagbigay sa akin ng bunga ng punungkahoy at ako ay kumain.
  19 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi sa babae: Ano ang bagay na ito na iyong ginawa? At sinabi ng babae: aDinaya ako ng ahas, at ako ay kumain.
  20 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi sa ahas: Sapagkat ginawa mo ito ay asumpain ka nang higit sa lahat ng hayop, at nang higit sa bawat ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ipanggagapang mo, at alabok ang iyong kakainin sa lahat ng araw ng iyong buhay;
  21 At papag-aalitin kita at ang babae, ang iyong binhi at ang kanyang binhi; at siya ang susugat ng iyong ulo, at ikaw ang susugat ng kanyang sakong.
  22 Sa babae, ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi: Pararamihin kong lubha ang iyong pagdadalamhati at ang iyong paglilihi. aMahihirapan ka sa pagsisilang ng mga anak, at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya ay papanginoon sa iyo.
  23 At kay Adan, ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi: Sapagkat iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punungkahoy na aking iniutos sa iyo, nagsasabing—Huwag kang kakain niyon, sumpain ang lupa dahil sa iyo; sa dalamhati kakain ka sa kanya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng araw ng iyong buhay.
  24 Mga tinik din, at dawag ang isisibol nito sa iyo, at kakain ka ng mga pananim sa parang.
  25 Sa pamamagitan ng apawis ng iyong mukha, ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa—sapagkat walang pagsalang mamamatay ka—sapagkat doon ka kinuha: sapagkat ikaw ay balabok, at sa alabok ka mauuwi.
  26 At tinawag na Eva ni Adan ang kanyang asawa dahil siya ang ina ng lahat ng nabubuhay; sapagkat sa gayon ko, ang Panginoong Diyos, tinawag ang una sa lahat ng babae, na anapakarami.
  27 Kay Adan, at gayon din sa kanyang asawa, ay gumawa ako, ang Panginoong Diyos, ng mga kasuotang balat, at sila ay adinamitan.
  28 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi sa aking Bugtong na Anak: Masdan, ang atao ay naging tulad natin na bnakakikilala ng mabuti at masama; at ngayon ay baka iunat niya ang kanyang kamay at ckumain din sa dpunungkahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailanman.
  29 Kaya nga ako, ang Panginoong Diyos, ay palalayasin siya sa Halamanan ng aEden upang kanyang bungkalin ang lupa na pinagkunan sa kanya;
  30 Sapagkat yayamang ako, ang Panginoong Diyos, ay buhay gayon din ang aking mga asalita ay hindi mapawawalang-saysay, sapagkat gaya ng paglabas ng mga ito sa aking bibig, ang mga ito ay kinakailangang matupad.
  31 Sa gayon pinalayas ko ang tao, at inilagay ko sa silangan ng Halamanan ng Eden, ang akerubin at ang nagniningas na espada, na umiikot upang ingatan ang daan patungo sa punungkahoy ng buhay.
  32 (At ito ang mga salitang sinabi ko sa aking tagapaglingkod na si Moises, at ang mga ito ay totoo maging gaya ng aking kalooban; at aking sinabi ang mga ito sa iyo. Tiyakin mong huwag ipakita ang mga ito sa kanino man, hanggang sa aking ipag-utos sa iyo, maliban sa kanila na naniniwala. Amen.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento