MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 2
(Hunyo–Oktubre 1830)
Ang Diyos ang lumikha ng langit at ng lupa—Lahat ng uri ng buhay ay nilikha—Ang Diyos ang gumawa ng tao at binigyan siya ng kapangyarihan sa lahat ng iba pa.
1 At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nangusap kay Moises, nagsasabing: Masdan, aking aipinahahayag sa iyo ang hinggil sa blangit na ito, at sa clupang ito; isulat mo ang mga salitang aking sinasabi. Ako ang Simula at ang Katapusan, ang dPinakamakapangyarihang Diyos; sa pamamagitan ng aking eBugtong na Anak ay fnilalang ko ang mga bagay na ito; oo, sa simula aking nilalang ang langit, at ang lupa kung saan ka nakatayo.
2 At ang amundo ay walang kaayusan, at walang laman; at aking pinapangyari na ang kadiliman ay mapasaibabaw ng kailaliman; at ang aking Espiritu ay sumasaibabaw ng tubig; sapagkat ako ang Diyos.
3 At ako, ang Diyos, ay nagsabing: Magkaroon ng aliwanag; at nagkaroon ng liwanag.
4 At ako, ang Diyos, ay nakita ang liwanag; at ang liwanag na yaon ay amabuti. At ako, ang Diyos, ay inihiwalay ang liwanag sa kadiliman.
5 At ako, ang Diyos, ay tinawag ang liwanag na Araw; at ang kadiliman, ay aking tinawag na Gabi; at ito ay ginawa ko sa pamamagitan ng asalita ng aking kapangyarihan, at ito ay natupad habang ako ay bnagsasalita; at ang gabi at ang umaga ang unang caraw.
6 At muli, ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon ng isang akalawakan sa gitna ng tubig, at nagkagayon nga, gaya ng aking sinabi; at aking sinabi: Mahiwalay ang mga tubig sa kapwa mga tubig; at ito ay natupad;
7 At ako, ang Diyos, ay nilikha ang kalawakan at pinaghiwalay ang mga atubig, oo, ang malawak na mga tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa mga tubig na nasa itaas ng kalawakan, at nagkagayon nga gaya ng aking sinabi.
8 At ako, ang Diyos, ay tinawag ang kalawakan na aLangit; at ang gabi at ang umaga ang ikalawang araw.
9 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Mapisan ang mga tubig na nasa silong ng langit sa aisang dako, at nagkagayon nga; at ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon ng katuyuan; at nagkagayon nga.
10 At ako, ang Diyos, ay tinawag ang katuyuan na aLupa; at ang kapisanan ng mga tubig ay tinawag kong Dagat, at ako, ang Diyos, ay nakita na ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti.
11 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Sibulan ang lupa ng adamo, pananim na nagkakabinhi, at punungkahoy na namumunga, ayon sa kanyang uri, at ang punungkahoy na namumunga, na taglay ang kanyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon nga gaya ng aking sinabi.
12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, bawat pananim na nagkakabinhi ayon sa kanyang uri, at ng punungkahoy na namumunga, na taglay ang kanyang binhi, ayon sa kanyang uri; at ako, ang Diyos, ay nakita na ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti;
14 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit, upang paghiwalayin ang araw mula sa gabi, at maging mga pinakatanda at pinakabahagi ng mga panahon, ng mga araw, at ng mga taon;
16 At ako, ang Diyos, ay lumikha ng dalawang malalaking tanglaw; ang malaking atanglaw upang mamayani sa araw, at ang maliit na tanglaw upang mamayani sa gabi, at ang malaking tanglaw ay araw at ang maliit na tanglaw ay buwan; at nalikha rin ang mga bituin maging ayon sa aking salita.
17 At ako, ang Diyos, ay inilagay ang mga ito sa kalawakan ng langit upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
18 At ang araw upang mamayani sa araw, at ang buwan upang mamayani sa gabi, at upang mahiwalay ang liwanag mula sa kadiliman; at ako, ang Diyos, ay nakitang ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti;
20 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Bukalan nang sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng langit.
21 At ako, ang Diyos, ay lumalang ng malalaking abalyena sa dagat, at ng bawat may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal nang sagana ng mga tubig, ayon sa kani-kanilang uri, at bawat may pakpak na mga ibon ayon sa kani-kanilang uri; at ako, ang Diyos, ay nakita na ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti.
22 At ako, ang Diyos, ay binasbasan ang mga ito, sinasabing: Kayo ay maging palaanakin at amagpakarami, at inyong punuin ang mga tubig sa dagat; at magpakarami ang mga ibon sa lupa;
24 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Bukalan ang lupa ng mga buhay na kinapal ayon sa kani-kanilang uri, ng hayop, at ng mga kinapal na gumagapang, at mga ganid sa lupa ayon sa kani-kanilang uri, at nagkagayon nga;
25 At ako, ang Diyos, ay lumikha ng mga ganid sa lupa ayon sa kanilang uri, at mga hayop ayon sa kanilang uri, at ng lahat ng gumagapang sa lupa ayon sa kani-kanilang uri; at ako, ang Diyos, ay nakitang ang lahat ng bagay na ito ay mabuti.
26 At ako, ang Diyos, ay nagsabi sa aking aBugtong na Anak, na kasama ko mula pa sa simula: bLikhain natin ang tao sa ating clarawan, ayon sa ating wangis; at nagkagayon nga. At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon sila ng dkapangyarihan sa mga isda sa karagatan, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat gumagapang na nagsisigalaw sa lupa.
27 At ako, ang aDiyos, ay lumalang ng tao ayon sa aking sariling larawan, ayon sa kaanyuan ng aking Bugtong na Anak ay nilalang ko siya; lalaki at babae ay nilalang ko sila.
28 At ako, ang Diyos, ay binasbasan sila at sinabi sa kanila: Kayo ay maging palaanakin, at amagpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at supilin ito, at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa isda sa dagat, at sa ibon sa himpapawid, at sa bawat kinapal na gumagalaw sa lupa.
29 At ako, ang Diyos, ay nagsabi sa tao: Masdan, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng buong lupa, at bawat punungkahoy na may bunga ng punungkahoy na nagkakabinhi; sa inyo ito ay magiging apagkain.
30 At sa bawat hayop sa lupa, at sa bawat ibon sa himpapawid, at sa bawat gumagapang sa lupa, na binigyan ko ng buhay, ay ibinigay ko ang lahat ng pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon nga maging gaya ng aking sinabi.
31 At ako, ang Diyos, ay nakita ang lahat ng aking nilikha, at masdan, lahat ng bagay na aking nilikha ay anapakabuti; at ang gabi at umaga ang bikaanim na araw.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento