Linggo, Oktubre 23, 2011

Sina Adan at Eva ay nagkaroon ng mga anak—Si Adan ay nag-alay ng hain, naglingkod sa Diyos—Sina Cain at Abel ay isinilang—Si Cain ay naghimagsik, minahal si Satanas nang higit pa kaysa Diyos, at naging Kapahamakan—Ang pagpaslang at kasamaan ay lumaganap—Ipinangaral ang ebanghelyo mula pa sa simula.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 5
(Hunyo–Oktubre 1830)
Sina Adan at Eva ay nagkaroon ng mga anak—Si Adan ay nag-alay ng hain, naglingkod sa Diyos—Sina Cain at Abel ay isinilang—Si Cain ay naghimagsik, minahal si Satanas nang higit pa kaysa Diyos, at naging Kapahamakan—Ang pagpaslang at kasamaan ay lumaganap—Ipinangaral ang ebanghelyo mula pa sa simula.
  1 At ito ay nangyari na, nang matapos ko, ang Panginoong Diyos, na itaboy silang palabas, na si Adan ay nagsimulang magbungkal ng lupa, at magkaroon ng akapangyarihan sa lahat ng hayop sa parang, at kainin ang kanyang tinapay sa pamamagitan ng pawis ng kanyang kilay, tulad ng ipinag-utos ko, ang Panginoon, sa kanya. At gayon din si Eva, na kanyang asawa, ay nagpagal na kasama niya.
  2 At nakilala ni Adan ang kanyang asawa, at siya ay anagsilang sa kanya ng mga anak na lalaki at bbabae, at sila ay nagsimulang cdumami at kinalatan ang lupa.
  3 At magmula sa araw na yaon, ang mga anak na lalaki at ababae ni Adan ay nagsimulang mahati nang dala-dalawa sa lupa, at magbungkal ng lupa, at mag-alaga ng mga kawan, at sila ay nagkaroon din ng mga anak na lalaki at babae.
  4 At si Adan at si Eva, na kanyang asawa, ay nanawagan sa pangalan ng Panginoon, at kanilang narinig ang tinig ng Panginoon sa daan patungo sa Halamanan ng aEden, nangungusap sa kanila, at siya ay hindi nila nakita; sapagkat sila ay pinagsarhan mula sa kanyang bharapan.
  5 At siya ay nagbigay sa kanila ng mga kautusan, na kanilang nararapat asambahin ang Panginoon nilang Diyos, at nararapat ialay ang mga bpanganay ng kanilang mga kawan, bilang isang handog sa Panginoon. At si Adan ay naging cmasunurin sa mga kautusan ng Panginoon.
  6 At pagkalipas ng maraming araw, isang aanghel ng Panginoon ang nagpakita kay Adan, nagsasabing: Bakit ka nag-aalay ng mga bhain sa Panginoon? At sinabi ni Adan sa kanya: Hindi ko batid, maliban sa iniutos sa akin ng Panginoon.
  7 At sa gayon nangusap ang anghel, nagsasabing: Ang bagay na ito ay akahalintulad ng bsakripisyo ng Bugtong na Anak ng Ama, na puspos ng cbiyaya at katotohanan.
  8 Kaya nga, gawin mo ang lahat ng iyong ginagawa sa apangalan ng Anak, at ikaw ay bmagsisi at cmanawagan sa Diyos sa pangalan ng Anak magpakailanman.
  9 At nang araw na yaon ang aEspiritu Santo ay napasa kay Adan, na siyang nagpapatotoo sa Ama at sa Anak, nagsasabing: Ako ang bBugtong na Anak ng Ama mula pa sa simula, ngayon at magpakailanman, nang sa iyong cpagkahulog ikaw ay dmatubos, at ang buong sangkatauhan, maging kasindami ng magnanais.
  10 At sa araw na yaon, pinapurihan ni Adan ang Diyos at anapuspos, at nagsimulang bmagpropesiya hinggil sa lahat ng mag-anak sa mundo, nagsasabing: Purihin ang pangalan ng Diyos, sapagkat dahil sa paglabag ko ang aking mga mata ay namulat, at sa buhay na ito ako ay makatatamo ng ckagalakan, at muli sa dlaman aking makikita ang Diyos.
  11 At si aEva, na kanyang asawa, ay narinig ang lahat ng bagay na ito at natuwa, nagsasabing: Kung hindi dahil sa ating paglabag tayo sana ay hindi nagkaroon ng mga bbinhi, at kailanman ay hindi nalaman ang mabuti at masama, at ang kagalakan ng ating pagkakatubos, at ang buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa lahat ng masunurin.
  12 At pinapurihan nina Adan at Eva ang pangalan ng Diyos, at aipinaalam nila ang lahat ng bagay sa kanilang mga anak na lalaki at babae.
  13 At si aSatanas ay nakihalubilo sa kanila, nagsasabing: Ako rin ay isang anak ng Diyos; at kanyang inutusan sila, nagsasabing: Huwag ninyo itong paniwalaan; at sila ay hindi bnaniwala rito, at kanilang cminahal si Satanas nang higit pa sa Diyos. At magmula sa araw na yaon ang mga tao ay nagsimulang maging dmakamundo, mahalay, at mala-diyablo.
  14 At ang Panginoong Diyos ay nanawagan sa mga tao sa pamamagitan ng aEspiritu Santo sa lahat ng dako at nag-utos sa kanila na sila ay nararapat na magsipagsisi;
  15 At kasindami ng mga amaniniwala sa Anak, at magsisisi ng kanilang mga kasalanan ay bmaliligtas; at kasindami ng mga hindi maniniwala at hindi magsisisi ay cparurusahan; at ang mga salita ay namutawi sa bibig ng Diyos sa isang matibay na kautusan; anupa’t ang mga ito ay kinakailangang matupad.
  16 At si Adan at si Eva, na kanyang asawa, ay hindi tumigil sa pagtawag sa Diyos. At nakilala ni Adan si Eva, na kanyang asawa, at siya ay naglihi at isinilang si aCain, at nagsabi: Pinagkalooban ako ng isang anak na lalaki ng Panginoon; kaya nga, hindi niya maaaring itatwa ang kanyang mga salita. Subalit masdan, si Cain ay hindi nakinig, sinasabing: Sino ang Panginoon na nararapat ko siyang makilala?
  17 At siya ay muling naglihi at isinilang si aAbel na kanyang kapatid. At si Abel ay bnakinig sa tinig ng Panginoon. At si Abel ay isang tagapag-alaga ng tupa, samantalang si Cain ay isang tagapagbungkal ng lupa.
  18 At aminahal ni Cain si Satanas nang higit sa Diyos. At si Satanas ay nag-utos sa kanya, sinasabing: bMaghandog ka sa Panginoon.
  19 At sa paglipas ng panahon nangyari na nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon.
  20 At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kanyang kawan, at ng taba niyaon. At isinaalang-alang ng Panginoon si Abel, at ang kanyang ahandog.
  21 Datapwat hindi isinaalang-alang si Cain at ang kanyang ahandog. Ngayon, alam ito ni Satanas, at ito ay ikinasiya niya. At napoot nang labis si Cain, at namanglaw ang kanyang mukha.
  22 At sinabi ng Panginoon kay Cain: Bakit ka napopoot? Bakit nagdilim ang iyong mukha?
  23 Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, ikaw ay atatanggapin. At kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nag-aabang ang kasalanan sa pintuan, at si Satanas ay nagnanasa na maangkin ka; at maliban kung ikaw ay makikinig sa aking mga kautusan, akin kitang pababayaan, at mangyayari sa iyo alinsunod sa kanyang naisin. At ikaw ang papanginoonin niya;
  24 Sapagkat simula sa oras na ito, ikaw ang magiging ama ng kanyang mga kasinungalingan; ikaw ay tatawaging aKapahamakan; sapagkat ikaw ay naroon din bago pa ang daigdig.
  25 At ito ang sasabihin sa panahong darating—Na ang mga akarumal-dumal na gawaing ito ay mayroon na mula pa kay Cain; sapagkat kanyang tinanggihan ang dakilang payo na nagmula sa Diyos; at ito ay isang sumpa na aking ipapataw sa iyo, maliban kung ikaw ay magsisisi.
  26 At si Cain ay napoot, at hindi na nakinig pang muli sa tinig ng Panginoon, ni kay Abel, na kanyang kapatid, na lumakad sa kabanalan sa harapan ng Panginoon.
  27 At si Adan at ang kanyang asawa ay nagdalamhati sa harapan ng Panginoon, dahil kay Cain at sa kanyang mga kapatid.
  28 At ito ay nangyari na, na kumuha si Cain ng isa sa mga anak na babae ng kanyang mga kapatid na lalaki upang maging asawa, at kanilang aminahal si Satanas nang higit pa sa Diyos.
  29 At sinabi ni Satanas kay Cain: Sumumpa sa akin sa pamamagitan ng iyong lalamunan, at kung ipagsasabi mo ito, ikaw ay mamamatay; at pasumpain ang iyong mga kapatid sa pamamagitan ng kanilang mga ulo, at sa buhay na Diyos, na ito ay hindi nila ipagsasabi; sapagkat kung kanilang ipagsasabi ito, sila ay walang pagsalang mamamatay; at ito ay upang hindi ito malaman ng iyong ama; at sa araw na ito ay ibibigay ko ang iyong kapatid na si Abel sa iyong mga kamay.
  30 At si Satanas ay nanumpa kay Cain na gagawin niya ang naaalinsunod sa kanyang mga utos. At lahat ng bagay na ito ay ginawa nang lihim.
  31 At sinabi ni Cain: Tunay na ako si Mahan, ang panginoon ng malaking lihim na ito, upang ako ay amakapaslang at makinabang. Anupa’t si Cain ay tinawag na Panginoong bMahan, at siya ay nagmapuri sa kanyang kasamaan.
  32 At si Cain ay nagtungo sa parang at nakipag-usap si Cain kay Abel, na kanyang kapatid. At ito ay nangyari, na habang sila ay nasa parang, naghimagsik si Cain laban kay Abel, na kanyang kapatid, at siya’y pinatay.
  33 At si Cain ay anagmalaki sa yaong kanyang ginawa, sinasabing: Ako ay malaya na; tunay na ang mga kawan ng aking kapatid ay mahuhulog sa aking mga kamay.
  34 At sinabi ng Panginoon kay Cain: Saan naroon si Abel, na iyong kapatid? At sinabi niya: Hindi ko nalalaman. Ako ba ay atagapagbantay ng aking kapatid?
  35 At sinabi ng Panginoon: Ano itong ginawa mo? Ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa.
  36 At ngayon, susumpain ka sa lupa na nagbuka ng kanyang bibig upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid mula sa iyong kamay.
  37 Sa pagbubungkal mo ng lupa, ay di na niya ibibigay mula ngayon sa iyo ang kanyang lakas. Ikaw ay magiging isang atakas at hampas-lupa sa mundo.
  38 At sinabi ni Cain sa Panginoon: aTinukso ako ni Satanas dahil sa kawan ng aking kapatid. At ako ay napoot din; sapagkat inyong tinanggap ang kanyang handog at ang sa akin ay hindi; ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.
  39 Masdan, ako ay itinataboy ninyo ngayon mula sa harapan ng Panginoon, at mula sa inyong harapan ako ay matatago; at ako ay magiging isang takas at hampas-lupa sa mundo; at ito ay mangyayari, na siya na makasusumpong sa akin ay papatayin ako, dahil sa aking mga kasamaan, sapagkat ang mga bagay na ito ay hindi natatago sa Panginoon.
  40 At ako, ang Panginoon ay nagsabi sa kanya: Sinumang pumatay sa iyo, ay makapitong gagantihan siya. At ako, ang Panginoon, ay naglagay ng isang atanda kay Cain, nang hindi siya patayin ng sinumang makasumpong sa kanya.
  41 At pinagsarhan si Cain sa aharapan ng Panginoon, at kasama ang kanyang asawa at marami sa kanyang mga kapatid ay nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden.
  42 At nakilala ni Cain ang kanyang asawa, at siya ay naglihi at isinilang si Enoc, at siya rin ay nagkaroon ng maraming anak na lalaki at babae. At siya ay nagtayo ng isang lunsod, at tinawag niya angalunsod alinsunod sa pangalan ng kanyang anak na lalaki, na si Enoc.
  43 At isinilang kay Enoc si Irad, at iba pang mga anak na lalaki at babae. At isinilang kay Irad si Mehujael, at iba pang mga anak na lalaki at babae. At isinilang kay Mehujael si Metusael, at iba pang mga anak na lalaki at babae. At isinilang kay Metusael si Lamec.
  44 At si Lamec ay nag-asawa ng dalawa; ang pangalan ng isa ay Ada, at ang pangalan ng isa pa ay Zilla.
  45 At isinilang ni Ada si Jabal; na siyang naging ama ng nangagsisitahan sa mga tolda, at sila ay mga tagapag-alaga ng mga hayop; at ang pangalan ng kanyang kapatid na lalaki ay Jubal, na siyang ama ng lahat ng tumutugtog ng alpa at flauta.
  46 At si Zilla, isinilang naman niya si Tubal Cain, na isang mamamanday ng lahat ng kagamitang tanso at bakal. At ang kapatid na babae ni Tubal Cain ay tinawag na Naama.
  47 At sinabi ni Lamec sa kanyang mga asawa, kina Ada at Zilla: Pakinggan ninyo ang aking tinig, kayong mga asawa ni Lamec, makinig sa aking salaysay; sapagkat pumatay ako ng isang tao sa aking ikasusugat, at ng isang binata sa aking ikasasakit.
  48 Kung makapitong gagantihan si Cain, tunay na si Lamec ay amakapitumpu at pito;
  49 Sapagkat si Lamec sa apakikipagtipan kay Satanas, alinsunod sa pamamaraan ni Cain, kung saan siya ay naging Panginoong Mahan, panginoon ng malaking lihim na ibinigay kay Cain ni Satanas; at si Irad, na anak na lalaki ni Enoc, na nakaaalam ng kanilang lihim, ay nagsimulang ipahayag ito sa mga anak na lalaki ni Adan;
  50 Dahil dito, si Lamec, sa galit, ay pinatay siya, hindi katulad ni Cain, sa kanyang kapatid na si Abel, upang makakuha ng pakinabang kundi kanyang pinatay siya dahil sa sumpa.
  51 Sapagkat, mula noong mga araw ni Cain, ay mayroon nang alihim na pakikipagsabwatan, at ang kanilang mga gawain ay nasa dilim, at kanilang nakikilala ang bawat tao na kanyang kapatid.
  52 Dahil dito isinumpa ng Panginoon si Lamec, at ang kanyang sambahayan, at silang lahat na nakipagtipan kay Satanas; sapagkat hindi nila sinunod ang mga kautusan ng Diyos, at ito ay hindi ikinalugod ng Diyos, at siya ay hindi naglingkod sa kanila, at ang kanilang mga gawain ay karumal-dumal, at nagsimulang lumaganap sa lahat ng aanak na lalaki ng tao. At ito ay nasa mga anak na lalaki ng tao.
  53 At sa mga anak na babae ng tao ang mga bagay na ito ay hindi sinabi, sapagkat yaong si Lamec ay sinabi ang lihim sa kanyang mga asawa, at sila ay naghimagsik laban sa kanya, at ipinahayag ang mga bagay na ito sa paligid, at hindi mga naawa;
  54 Dahil dito si Lamec ay kinamuhian, at pinalayas, at hindi na nakihalubilo sa mga anak na lalaki ng tao, na baka siya ay mamatay.
  55 At sa gayon ang mga gawain ng akadiliman ay nagsimulang mangibabaw sa lahat ng anak na lalaki ng tao.
  56 At isinumpa ng Diyos ang lupa ng isang matinding sumpa, at nagalit sa masasama, sa lahat ng anak na lalaki ng tao na kanyang nilikha;
  57 Sapagkat sila ay ayaw makinig sa kanyang tinig, ni maniwala sa kanyang aBugtong na Anak, maging sa kanya na ipinahayag niya na paparito sa kalagitnaan ng panahon, na siyang inihanda bago pa ang pagkakatatag ng daigdig.
  58 At sa gayon sinimulang ipangaral ang aEbanghelyo, mula sa simula, na ipinahayag ng mga banal na banghel na isinugo mula sa kinaroroonan ng Diyos, at sa pamamagitan ng kanyang sariling tinig, at sa pamamagitan ng ckaloob na Espiritu Santo.
  59 At sa gayon pinagtibay kay Adan ang lahat ng bagay, sa pamamagitan ng isang banal na ordenansa, at ang Ebanghelyo ay ipinangaral, at isang utos ang ipinadala, na ito ay nararapat na manatili sa daigdig, hanggang sa wakas niyon; at gayon nga ito. Amen.

Kung paano si Satanas ay naging diyablo—Kanyang tinukso si Eva—Sina Adan at Eva ay nahulog at nagkaroon ng kamatayan sa daigdig.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 4
(Hunyo–Oktubre 1830)
Kung paano si Satanas ay naging diyablo—Kanyang tinukso si Eva—Sina Adan at Eva ay nahulog at nagkaroon ng kamatayan sa daigdig.
  1 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nangusap kay Moises, sinasabing: Yaong si aSatanas, na iyong pinalayas sa pangalan ng aking Bugtong na Anak, ay yaon ding nagmula sa bsimula, at siya ay lumapit sa aking harapan, nagsasabing—Masdan, naririto ako, isugo ninyo ako, ako ang magiging inyong anak, at aking tutubusin ang buong sangkatauhan, upang wala ni isa mang katao ang mawala, at tiyak na cakin itong magagawa; kaya nga, ibigay ninyo sa akin ang inyong karangalan.
  2 Subalit, masdan, ang aking Minamahal na aAnak, na aking Minamahal at bPinili mula pa sa simula, ay nagsabi sa akin—cAma, masusunod ang inyong dkalooban, at ang ekaluwalhatian ay mapasainyo magpasawalang hanggan.
  3 Dahil dito, sapagkat yaong si Satanas ay anaghimagsik laban sa akin, at naghangad na wasakin ang bkalayaan ng tao, na ako, ang Panginoong Diyos, ang nagbigay sa kanya, at gayon din, na aking dapat ibigay sa kanya ang aking sariling kapangyarihan; sa pamamagitan ng kapangyarihan ng aking Bugtong na Anak, aking pinapangyaring siya ay cmapalayas;
  4 At siya ay naging si Satanas, oo, maging ang diyablo, ang ama ng lahat ng akasinungalingan, upang linlangin at bulagin ang mga tao, at akayin silang bihag sa kanyang kagustuhan, maging kasindami ng hindi makikinig sa aking tinig.
  5 At ngayon ang ahas ay lalong atuso kaysa alinmang hayop sa parang na ako, ang Panginoong Diyos, ang lumikha.
  6 At inilagay ni Satanas sa puso ng ahas, (sapagkat marami siyang naakit palayo,) at kanyang hinangad ding linlangin si aEva, sapagkat hindi niya alam ang pag-iisip ng Diyos, anupa’t hinangad niyang wasakin ang sanlibutan.
  7 At kanyang sinabi sa babae: Oo, sinabi ba ng Diyos—Hindi ka dapat kumain sa bawat punungkahoy ng ahalamanan? (At siya ay nagsalita sa pamamagitan ng bibig ng ahas.)
  8 At sinabi ng babae sa ahas: Makakakain kami sa bunga ng mga punungkahoy sa halamanan;
  9 Subalit sa bunga ng punungkahoy na iyong makikita sa gitna ng halamanan, ay sinabi ng Diyos—Huwag kayong kakain nito, ni huwag ninyong hihipuin ito at tiyak na kayo ay mamamatay.
  10 At sinabi ng ahas sa babae: Hindi ka tiyak na mamamatay;
  11 Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa araw na kumain kayo niyon, sa gayon ang inyong mga amata ay mamumulat, at kayo ay magiging tulad ng mga diyos, na bnakakikilala ng mabuti at masama.
  12 At nang makita ng babae na ang punungkahoy ay mabuting kainin at ito ay nakalulugod sa mga mata, at isang punungkahoy na amananasa upang magparunong sa kanya siya ay pumitas ng bunga niyon, at bkinain, at binigyan din ang kanyang asawa na kasama niya, at siya ay kumain.
  13 At namulat kapwa ang kanilang mga mata, at kanilang nalamang sila’y mga ahubad. At sila ay magkasamang tumahi ng mga dahon ng puno ng igos at kanilang ginawan ng panapi ang kanilang sarili.
  14 At narinig nila ang tinig ng Panginoong Diyos, habang sila ay anaglalakad sa halamanan, sa lamig ng maghapon; at itinago ni Adan at ng kanyang asawa ang kanilang sarili mula sa harapan ng Panginoong Diyos sa gitna ng mga punungkahoy sa halamanan.
  15 At ako, ang Panginoong Diyos, ay tinawag si Adan, at sinabi sa kanya: Saan ka aparoroon?
  16 At sinabi niya: Narinig ko ang inyong tinig sa halamanan, at ako ay natakot, sapagkat aking natalos na ako ay hubad, at ako ay nagtago.
  17 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi kay Adan: Sino ang nagsabi sa iyong ikaw ay hubad? Nakakain ka ba ng bunga ng punungkahoy na yaong iniutos ko sa iyong huwag mong kainin, kung magkagayon ay walang pagsalang amamamatay ka?
  18 At sinabi ng lalaki: Ang babaing ibinigay ninyo sa akin, at ipinag-utos na siya ay manatiling kasama ko, siya ang nagbigay sa akin ng bunga ng punungkahoy at ako ay kumain.
  19 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi sa babae: Ano ang bagay na ito na iyong ginawa? At sinabi ng babae: aDinaya ako ng ahas, at ako ay kumain.
  20 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi sa ahas: Sapagkat ginawa mo ito ay asumpain ka nang higit sa lahat ng hayop, at nang higit sa bawat ganid sa parang; ang iyong tiyan ang ipanggagapang mo, at alabok ang iyong kakainin sa lahat ng araw ng iyong buhay;
  21 At papag-aalitin kita at ang babae, ang iyong binhi at ang kanyang binhi; at siya ang susugat ng iyong ulo, at ikaw ang susugat ng kanyang sakong.
  22 Sa babae, ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi: Pararamihin kong lubha ang iyong pagdadalamhati at ang iyong paglilihi. aMahihirapan ka sa pagsisilang ng mga anak, at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya ay papanginoon sa iyo.
  23 At kay Adan, ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi: Sapagkat iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punungkahoy na aking iniutos sa iyo, nagsasabing—Huwag kang kakain niyon, sumpain ang lupa dahil sa iyo; sa dalamhati kakain ka sa kanya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng araw ng iyong buhay.
  24 Mga tinik din, at dawag ang isisibol nito sa iyo, at kakain ka ng mga pananim sa parang.
  25 Sa pamamagitan ng apawis ng iyong mukha, ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa—sapagkat walang pagsalang mamamatay ka—sapagkat doon ka kinuha: sapagkat ikaw ay balabok, at sa alabok ka mauuwi.
  26 At tinawag na Eva ni Adan ang kanyang asawa dahil siya ang ina ng lahat ng nabubuhay; sapagkat sa gayon ko, ang Panginoong Diyos, tinawag ang una sa lahat ng babae, na anapakarami.
  27 Kay Adan, at gayon din sa kanyang asawa, ay gumawa ako, ang Panginoong Diyos, ng mga kasuotang balat, at sila ay adinamitan.
  28 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi sa aking Bugtong na Anak: Masdan, ang atao ay naging tulad natin na bnakakikilala ng mabuti at masama; at ngayon ay baka iunat niya ang kanyang kamay at ckumain din sa dpunungkahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailanman.
  29 Kaya nga ako, ang Panginoong Diyos, ay palalayasin siya sa Halamanan ng aEden upang kanyang bungkalin ang lupa na pinagkunan sa kanya;
  30 Sapagkat yayamang ako, ang Panginoong Diyos, ay buhay gayon din ang aking mga asalita ay hindi mapawawalang-saysay, sapagkat gaya ng paglabas ng mga ito sa aking bibig, ang mga ito ay kinakailangang matupad.
  31 Sa gayon pinalayas ko ang tao, at inilagay ko sa silangan ng Halamanan ng Eden, ang akerubin at ang nagniningas na espada, na umiikot upang ingatan ang daan patungo sa punungkahoy ng buhay.
  32 (At ito ang mga salitang sinabi ko sa aking tagapaglingkod na si Moises, at ang mga ito ay totoo maging gaya ng aking kalooban; at aking sinabi ang mga ito sa iyo. Tiyakin mong huwag ipakita ang mga ito sa kanino man, hanggang sa aking ipag-utos sa iyo, maliban sa kanila na naniniwala. Amen.)

Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay na espirituwal bago sila naging likas sa ibabaw ng lupa—Nilikha niya ang tao, ang unang laman sa mundo—Ang babae ay katuwang na makakasama ng lalaki.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 3
(Hunyo–Oktubre 1830)
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay na espirituwal bago sila naging likas sa ibabaw ng lupa—Nilikha niya ang tao, ang unang laman sa mundo—Ang babae ay katuwang na makakasama ng lalaki.
  1 Sa gayon ang langit at ang lupa ay anayari, at ang lahat ng bkinapal sa mga iyon.
  2 At sa ikapitong araw ako, ang Diyos, ay tinapos ang aking gawain, at lahat ng bagay na aking nilikha; at ako ay anagpahinga sa bikapitong araw mula sa lahat ng aking gawain, at lahat ng bagay na aking nilikha ay nayari, at ako, ang Diyos, ay nakitang ang mga ito ay mabuti;
  3 At ako, ang Diyos, ay abinasbasan ang ikapitong araw, at ginawang banal ito; sapagkat ako rito ay nangilin mula sa lahat ng aking bgawain na ako, ang Diyos, ang lumikha at gumawa.
  4 At ngayon, masdan, sinasabi ko sa iyo, na ito ang kasaysayan ng langit at ng lupa nang lalangin noong araw, nang ako, ang Panginoong Diyos ay lumikha ng langit at ng lupa,
  5 At bawat halaman sa parang abago ito napasalupa, at bawat pananim sa parang bago ito lumago. Sapagkat ako, ang Panginoong Diyos, ang blumalang ng lahat ng bagay na aking nabanggit, sacespiritu, bago ang mga ito ay naging likas sa balat ng lupa. Sapagkat ako, ang Panginoong Diyos, ay hindi pa pinauulanan ang balat ng lupa. At ako, ang Panginoong Diyos ang dlumalang sa lahat ng anak ng tao; at wala pang taong magbubungkal ng elupa; sapagkat sa flangit gnilalang ko sila; at wala pang laman sa lupa, ni sa tubig, ni sa himpapawid;
  6 Subalit ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsalita, at may isang aulap na pumaitaas buhat sa lupa, at dinilig ang ibabaw ng buong lupa.
  7 At ako, ang Panginoong Diyos, ay hinubog ang tao mula sa aalabok ng lupa, at hiningahan ang kanyang ilong ng hininga ng buhay; at ang btao ay naging ckaluluwang may buhay, ang dunang laman sa lupa, ang una ring lalaki; gayon pa man, ang lahat ng bagay ay ganoon na bago pa nilalang; subalit ang mga ito ay nilalang na espirituwal at nilikha alinsunod sa aking salita.
  8 At ako, ang Panginoong Diyos, ay naglagay ng isang halamanan, sa dakong silangan ng aEden, at doon ko inilagay ang tao na aking hinubog.
  9 At mula sa lupa ay pinatubo ko, ang Panginoong Diyos, ang bawat punungkahoy, nang likas, na nakalulugod sa paningin ng tao; at maaaring mamasdan ito ng tao. At ito rin ay naging isang kaluluwang may buhay. Sapagkat ito ay espirituwal sa araw na aking lalangin ito; sapagkat ito ay nanatili sa kalagayan kung saan ako, ang Diyos, ay nilalang ito, oo, maging ang lahat ng bagay na aking inihanda upang magamit ng tao; at nakita ng tao na ito ay mabuting kainin. At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagtanim din ng apunungkahoy ng buhay sa gitna ng halamanan, at gayon din ngbpunungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.
  10 At ako, ang Panginoong Diyos, ay pinapangyari na isang ilog ang dumaloy mula sa Eden upang dumilig sa halamanan; at mula roon ito ay nahati at nag-apat na asanga.
  11 At ako, ang Panginoong Diyos, ay tinawag ang pangalan ng una na Pison, at ito ay lumiligid sa buong lupain ng Havilah, kung saan ako, ang Panginoong Diyos, ay lumalang ng maraming ginto;
  12 At ang ginto ng lupaing yaon ay mabuti, at doon ay may bdelio at batong onix.
  13 At ang pangalan ng ikalawang ilog ay tinawag na Gihon; na siya ring lumiligid sa buong lupain ng Ethiopia.
  14 At ang pangalan ng ikatlong ilog ay Hiddecel; na siya ring umaagos patungo sa silangang Asiria. At ang ikaapat na ilog ay Eufrates.
  15 At ako, ang Panginoong Diyos, ay kinuha ang lalaki, at inilagay siya sa Halamanan ng Eden, upang alagaan ito, at ingatan ito.
  16 At ako, ang Panginoong Diyos, ay iniutos sa lalaki, sinasabing: Sa lahat ng punungkahoy sa halamanan ay malaya kang makakakain,
  17 Datapwat sa punungkahoy ng kaalaman ng mabuti at masama, ay huwag kang kakain nito, gayon pa man, ikaw ay maaaring amamili para sa iyong sarili, sapagkat ito ay ibinigay sa iyo; subalit, pakatandaan na ito ay aking ipinagbabawal, sapagkat sa baraw na kumain ka niyon ikaw ay tiyak na cmamamatay.
  18 At ako, ang Panginoong Diyos, ay nagsabi sa aking aBugtong na Anak, na hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa; kaya nga, ako ay lilikha ng isang bkatuwang para sa kanya.
  19 At mula sa lupa ako, ang Panginoong Diyos, ay naghubog ng lahat ng hayop sa parang, lahat ng ibon sa himpapawid; at nag-utos na ang mga ito ay lumapit kay Adan, upang malaman kung ano ang itatawag niya sa mga iyon; at ang mga ito rin ay mga kaluluwang may buhay sapagkat ako, ang Diyos, ay hiningahan ang mga ito ng hininga ng buhay at nag-utos na anuman ang itawag ni Adan sa bawat kinapal na may buhay ay yaon ang magiging pangalan niyon.
  20 At pinangalanan ni Adan ang lahat ng hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang; subalit sa ganang kay Adan, ay walang natagpuang maging katuwang niya.
  21 At ako, ang Panginoong Diyos, ay pinatulog nang mahimbing si Adan; at siya ay natulog, at ako ay kumuha ng isa sa kanyang mga tadyang at pinapaghilom ang laman sa dakong yaon;
  22 At ang tadyang na kinuha ko, ang Panginoong Diyos, mula sa lalaki, ay nilikha kong isang ababae, at dinala siya sa lalaki.
  23 At sinabi ni Adan: Ito ngayon ay nalalaman kong buto ng aking buto, at alaman ng aking laman; siya ay tatawaging Babae, sapagkat siya ay kinuha sa lalaki.
  24 Kaya nga, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ang kanyang ina, at amakikipisan sa kanyang asawa; at sila ay magiging bisang laman.
  25 At sila ay kapwa hubad, ang lalaki at ang kanyang asawa, at sila ay hindi nagkakahiyaan.

Ang Diyos ang lumikha ng langit at ng lupa—Lahat ng uri ng buhay ay nilikha—Ang Diyos ang gumawa ng tao at binigyan siya ng kapangyarihan sa lahat ng iba pa.


MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES
KABANATA 2
(Hunyo–Oktubre 1830)
Ang Diyos ang lumikha ng langit at ng lupa—Lahat ng uri ng buhay ay nilikha—Ang Diyos ang gumawa ng tao at binigyan siya ng kapangyarihan sa lahat ng iba pa.
  1 At ito ay nangyari na, na ang Panginoon ay nangusap kay Moises, nagsasabing: Masdan, aking aipinahahayag sa iyo ang hinggil sa blangit na ito, at sa clupang ito; isulat mo ang mga salitang aking sinasabi. Ako ang Simula at ang Katapusan, ang dPinakamakapangyarihang Diyos; sa pamamagitan ng aking eBugtong na Anak ay fnilalang ko ang mga bagay na ito; oo, sa simula aking nilalang ang langit, at ang lupa kung saan ka nakatayo.
  2 At ang amundo ay walang kaayusan, at walang laman; at aking pinapangyari na ang kadiliman ay mapasaibabaw ng kailaliman; at ang aking Espiritu ay sumasaibabaw ng tubig; sapagkat ako ang Diyos.
  3 At ako, ang Diyos, ay nagsabing: Magkaroon ng aliwanag; at nagkaroon ng liwanag.
  4 At ako, ang Diyos, ay nakita ang liwanag; at ang liwanag na yaon ay amabuti. At ako, ang Diyos, ay inihiwalay ang liwanag sa kadiliman.
  5 At ako, ang Diyos, ay tinawag ang liwanag na Araw; at ang kadiliman, ay aking tinawag na Gabi; at ito ay ginawa ko sa pamamagitan ng asalita ng aking kapangyarihan, at ito ay natupad habang ako ay bnagsasalita; at ang gabi at ang umaga ang unang caraw.
  6 At muli, ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon ng isang akalawakan sa gitna ng tubig, at nagkagayon nga, gaya ng aking sinabi; at aking sinabi: Mahiwalay ang mga tubig sa kapwa mga tubig; at ito ay natupad;
  7 At ako, ang Diyos, ay nilikha ang kalawakan at pinaghiwalay ang mga atubig, oo, ang malawak na mga tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa mga tubig na nasa itaas ng kalawakan, at nagkagayon nga gaya ng aking sinabi.
  8 At ako, ang Diyos, ay tinawag ang kalawakan na aLangit; at ang gabi at ang umaga ang ikalawang araw.
  9 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Mapisan ang mga tubig na nasa silong ng langit sa aisang dako, at nagkagayon nga; at ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon ng katuyuan; at nagkagayon nga.
  10 At ako, ang Diyos, ay tinawag ang katuyuan na aLupa; at ang kapisanan ng mga tubig ay tinawag kong Dagat, at ako, ang Diyos, ay nakita na ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti.
  11 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Sibulan ang lupa ng adamo, pananim na nagkakabinhi, at punungkahoy na namumunga, ayon sa kanyang uri, at ang punungkahoy na namumunga, na taglay ang kanyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon nga gaya ng aking sinabi.
  12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, bawat pananim na nagkakabinhi ayon sa kanyang uri, at ng punungkahoy na namumunga, na taglay ang kanyang binhi, ayon sa kanyang uri; at ako, ang Diyos, ay nakita na ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti;
  13 At ang gabi at ang umaga ang ikatlong araw.
  14 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit, upang paghiwalayin ang araw mula sa gabi, at maging mga pinakatanda at pinakabahagi ng mga panahon, ng mga araw, at ng mga taon;
  15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit upang tumanglaw sa lupa; at nagkagayon nga.
  16 At ako, ang Diyos, ay lumikha ng dalawang malalaking tanglaw; ang malaking atanglaw upang mamayani sa araw, at ang maliit na tanglaw upang mamayani sa gabi, at ang malaking tanglaw ay araw at ang maliit na tanglaw ay buwan; at nalikha rin ang mga bituin maging ayon sa aking salita.
  17 At ako, ang Diyos, ay inilagay ang mga ito sa kalawakan ng langit upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa,
  18 At ang araw upang mamayani sa araw, at ang buwan upang mamayani sa gabi, at upang mahiwalay ang liwanag mula sa kadiliman; at ako, ang Diyos, ay nakitang ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti;
  19 At ang gabi at ang umaga ang ikaapat na araw.
  20 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Bukalan nang sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng langit.
  21 At ako, ang Diyos, ay lumalang ng malalaking abalyena sa dagat, at ng bawat may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal nang sagana ng mga tubig, ayon sa kani-kanilang uri, at bawat may pakpak na mga ibon ayon sa kani-kanilang uri; at ako, ang Diyos, ay nakita na ang lahat ng bagay na aking nilikha ay mabuti.
  22 At ako, ang Diyos, ay binasbasan ang mga ito, sinasabing: Kayo ay maging palaanakin at amagpakarami, at inyong punuin ang mga tubig sa dagat; at magpakarami ang mga ibon sa lupa;
  23 At ang gabi at ang umaga ang ikalimang araw.
  24 At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Bukalan ang lupa ng mga buhay na kinapal ayon sa kani-kanilang uri, ng hayop, at ng mga kinapal na gumagapang, at mga ganid sa lupa ayon sa kani-kanilang uri, at nagkagayon nga;
  25 At ako, ang Diyos, ay lumikha ng mga ganid sa lupa ayon sa kanilang uri, at mga hayop ayon sa kanilang uri, at ng lahat ng gumagapang sa lupa ayon sa kani-kanilang uri; at ako, ang Diyos, ay nakitang ang lahat ng bagay na ito ay mabuti.
  26 At ako, ang Diyos, ay nagsabi sa aking aBugtong na Anak, na kasama ko mula pa sa simula: bLikhain natin ang tao sa ating clarawan, ayon sa ating wangis; at nagkagayon nga. At ako, ang Diyos, ay nagsabi: Magkaroon sila ng dkapangyarihan sa mga isda sa karagatan, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat gumagapang na nagsisigalaw sa lupa.
  27 At ako, ang aDiyos, ay lumalang ng tao ayon sa aking sariling larawan, ayon sa kaanyuan ng aking Bugtong na Anak ay nilalang ko siya; lalaki at babae ay nilalang ko sila.
  28 At ako, ang Diyos, ay binasbasan sila at sinabi sa kanila: Kayo ay maging palaanakin, at amagpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at supilin ito, at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa isda sa dagat, at sa ibon sa himpapawid, at sa bawat kinapal na gumagalaw sa lupa.
  29 At ako, ang Diyos, ay nagsabi sa tao: Masdan, ibinigay ko sa inyo ang bawat pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng buong lupa, at bawat punungkahoy na may bunga ng punungkahoy na nagkakabinhi; sa inyo ito ay magiging apagkain.
  30 At sa bawat hayop sa lupa, at sa bawat ibon sa himpapawid, at sa bawat gumagapang sa lupa, na binigyan ko ng buhay, ay ibinigay ko ang lahat ng pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon nga maging gaya ng aking sinabi.
  31 At ako, ang Diyos, ay nakita ang lahat ng aking nilikha, at masdan, lahat ng bagay na aking nilikha ay anapakabuti; at ang gabi at umaga ang bikaanim na araw.

MGA PINILI MULA SA AKLAT NI MOISES

KABANATA 1
(Hunyo 1830)
Ipinakita ng Diyos ang kanyang sarili kay Moises—Nagbagong-anyo si Moises—Hinarap siya ni Satanas—Nakita ni Moises ang maraming daigdig na pinananahanan—Mga daigdig na di mabilang ang nalikha sa pamamagitan ng Anak—Ang gawain at kaluwalhatian ng Diyos ay maisakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao.

  1 ANG mga salita ng Diyos, na kanyang asinabi kay bMoises noong panahong si Moises ay dinala sa napakataas na bundok,

  2 At kanyang anakita ang Diyos nang bharapan, at siya ay nakipag-usap sa kanya, at ang ckaluwalhatian ng Diyos ay napasa kay Moises; kaya nga, dnatagalan ni Moises ang kanyang pagharap.

  3 At ang Diyos ay nangusap kay Moises, sinasabing: Masdan, ako ang Panginoong Diyos na aPinakamakapangyarihan, at bWalang Hanggan ang aking pangalan; sapagkat ako ay walang simula ng mga araw o wakas ng mga taon; at hindi ba ito walang hanggan?

  4 At, masdan, ikaw ay aking anak; dahil dito, atingnan, at ipakikita ko sa iyo ang gawa ng aking mga bkamay; subalit hindi lahat, sapagkat ang aking mga cgawa ay dwalang katapusan, at gayon din ang aking mga esalita, sapagkat ang mga ito ay hindi kailanman magwawakas.

  5 Dahil dito, walang tao ang maaaring makamalas ng lahat ng aking gawain, maliban kung mamamasdan niya ang lahat ng aking kaluwalhatian; at walang taong maaaring makamalas ng lahat ng aking kaluwalhatian, at pagkatapos ay manatili sa laman sa mundo.

  6 At ako ay may gawain para sa iyo, Moises, aking anak; at ikaw ay akawangis ng aking bBugtong na Anak; at ang aking Bugtong na Anak ay at ang magiging cTagapagligtas, sapagkat siya ay puspos ng dbiyaya at ekatotohanan; subalit fwalang Diyos maliban sa akin, at lahat ng bagay ay kapiling ko, sapagkat aking gnalalaman silang lahat.

  7 At ngayon, masdan, ito ang isang bagay na ipakikita ko sa iyo, Moises, aking anak, sapagkat ikaw ay nasa daigdig, at ngayon ipakikita ko ito sa iyo.

  8 At ito ay nangyari na, na si Moises ay tumingin, at namasdan ang adaigdig kung saan siya nilalang; at bnamasdan ni Moises ang daigdig at ang mga hangganan niyon, at ang lahat ng anak ng tao na naroroon, at mga nalalang; sa mga yaon, siya ay labis na cnanggilalas at namangha.

  9 At nilisan ng Diyos si Moises, kung kaya ang kanyang kaluwalhatian ay nawala kay Moises; at si Moises ay naiwan sa kanyang sarili. At nang siya ay naiwan sa kanyang sarili, siya ay nalugmok sa lupa.

  10 At ito ay nangyari na, na maraming oras ang lumipas bago natanggap muli ni Moises ang kanyang likas na alakas tulad ng sa tao; at sinabi niya sa kanyang sarili: Ngayon, sa kadahilanang ito, aking nalaman na ang tao ay bwalang kabuluhan, siyang bagay na hindi ko inakala kailanman.

  11 Subalit ngayon ay namasdan ng sarili kong mga mata ang aDiyos; subalit hindi ng aking mga blikas na mata, kundi ng aking mga espirituwal na mata, sapagkat ang aking mga likas na mata ay hindi maaaring makamalas; sapagkat ako sana ay cnaluoy at dnamatay sa kanyang harapan; subalit ang kanyang kaluwalhatian ay napasaakin; at aking namasdan ang kanyang emukha, sapagkat ako ayfnagbagong-anyo sa kanyang harapan.

  12 At ito ay nangyari na, nang sabihin ni Moises ang mga salitang ito, masdan, dumating si aSatanas na btinutukso siya, nagsasabing: Moises, anak ng tao, sambahin mo ako.

  13 At ito ay nangyari na, na tumingin si Moises kay Satanas at nagsabi: Sino ka? Sapagkat masdan, ako ay aanak ng Diyos, na kawangis ng kanyang Bugtong na Anak; at nasaan ang iyong kaluwalhatian, na dapat kitang sambahin?

  14 Sapagkat masdan, hindi ko magawang tumingin sa Diyos, maliban kung mapasaakin ang kanyang kaluwalhatian, at ako ay amagbagong-anyo sa kanyang harapan. Subalit nakatitingin ako sa iyo bilang likas na tao. Hindi nga ba’t totoo?

  15 Purihin ang pangalan ng aking Diyos, sapagkat ang kanyang Espiritu ay hindi lubusang binawi sa akin, o kung hindi ay nasaan ang iyong kaluwalhatian, sapagkat ito ay kadiliman sa akin? At ako ay maaaring humatol sa pagitan mo at ng Diyos; sapagkat sinabi sa akin ng Diyos: aSambahin ang Diyos, sapagkat siya lamang ang iyong bpaglilingkuran.

  16 Lumayo ka, Satanas; huwag mo akong linlangin; sapagkat sinabi sa akin ng Diyos: Ikaw ay akawangis ng aking Bugtong na Anak.

  17 At binigyan din niya ako ng mga kautusan nang tawagin niya ako mula sa nagliliyab na apalumpong, sinasabing: bManawagan ka sa Diyos sa pangalan ng aking Bugtong na Anak, at sambahin ako.

  18 At muli, sinabi ni Moises: Hindi ako titigil na manawagan sa Diyos, may mga ibang bagay pa akong itatanong sa kanya: sapagkat ang kanyang kaluwalhatian ay napasaakin, kaya nga ako ay maaaring humatol sa pagitan mo at niya. Lumayas ka, Satanas.

  19 At ngayon, nang sabihin ni Moises ang mga salitang ito, si Satanas ay sumigaw sa malakas na tinig at naghuhumiyaw sa lupa, at nag-utos, sinasabing: Ako ang aBugtong na Anak, sambahin ako.

  20 At ito ay nangyari na, na si Moises ay nagsimulang matakot nang labis; at habang siya ay nagsisimulang matakot, kanyang nakita ang kapaitan ng aimpiyerno. Gayon pa man, sa bpananawagan sa Diyos, siya ay nakatanggap ng lakas, at siya ay nag-utos, sinasabing: Lumayo ka sa akin, Satanas, sapagkat itong nag-iisang Diyos lamang ang aking sasambahin, na siyang Diyos ng kaluwalhatian.

  21 At ngayon si aSatanas ay nagsimulang manginig , at ang lupa ay nayanig; at si Moises ay nakatanggap ng lakas, at nanawagan sa Diyos sinasabing: Sa pangalan ng Bugtong na Anak, lumayas ka, Satanas.

  22 At ito ay nangyari na, na sumigaw si Satanas sa malakas na tinig, nang nananangis, at nananaghoy, at anagngangalit ang mga ngipin; at siya ay lumayas, maging mula sa harapan ni Moises, upang hindi na niya mamasdan pa siya.

  23 At ngayon, sa bagay na ito si Moises ay nagpatotoo; subalit dahil sa kasamaan ito ay hindi napasa mga anak ng tao.

  24 At ito ay nangyari na, nang si Satanas ay umalis mula sa harapan ni Moises, itiningin ni Moises ang kanyang mga mata sa langit, na puspos ng aEspiritu Santo, na siyang nagpapatotoo sa Ama at sa Anak;

  25 At nananawagan sa pangalan ng Diyos, namasdan niyang muli ang kanyang kaluwalhatian, sapagkat ito ay napasakanya; at siya ay nakarinig ng isang tinig, sinasabing: Pinagpala ka, Moises, sapagkat ako, ang Pinakamakapangyarihan, ay pinili ka, at ikaw ay palalakasin kaysa sa maraming atubig; sapagkat kanilang susundin ang iyong butos na tila baga ikaw ang cDiyos.

  26 At masdan, ako ay kasama mo, maging sa katapusan ng iyong mga araw; sapagkat apalalayain mo ang aking mga tao mula sa bpagkaalipin, maging ang cIsrael na aking dpinili.

  27 At ito ay nangyari na, habang nangungusap pa ang tinig, iginala ni Moises ang kanyang mga mata at anamasdan ang mundo, oo, maging ang kabuuan nito; at walang bahagi nito na hindi niya namasdan, nawawari ito sa pamamagitan ng espiritu ng Diyos.

  28 At kanyang namasdan din ang mga naninirahan doon, at wala ni isa mang kaluluwa ang hindi niya namasdan; at nakilala niya sila sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos; at ang kanilang bilang ay napakarami, maging di mabilang gaya ng buhangin sa dalampasigan.

  29 At kanyang namasdan ang maraming lupain; at ang bawat lupain ay tinatawag na amundo, at may mga naninirahan sa ibabaw niyon.

  30 At ito ay nangyari na, na nanawagan si Moises sa Diyos, nagsasabing: Sabihin sa akin, nagsusumamo ako sa inyo, bakit ganito ang mga bagay na ito, at sa pamamagitan ng mga anong bagay nilikha ninyo ang mga ito?

  31 At masdan, ang kaluwalhatian ng Panginoon ay napasa kay Moises, kung kaya’t nakatindig si Moises sa harapan ng Diyos, at nakipag-usap sa kanya nang aharapan. At sinabi ng Panginoong Diyos kay Moises: Para sa sarili kong blayunin aking nilikha ang mga bagay na ito. Narito ang karunungan at ito ay mananatili sa akin.

  32 At sa pamamagitan ng asalita ng aking kapangyarihan, na siyang aking Bugtong na Anak, na puspos ng bbiyaya at ckatotohanan ay nilalang ko ang mga ito.

  33 At mga adaigdig na di mabilang ang aking bnilalang; at akin ding nilalang ang mga ito para sa sarili kong layunin; at sa pamamagitan ng Anak aking nilalang ang mga ito, na siyang aking cBugtong na Anak.

  34 At ang aunang lalaki sa lahat ng kalalakihan ay tinawag kong bAdan, na ang ibig sabihin ay cmarami.

  35 Subalit ang ulat lamang ng mundong ito, at ng mga naninirahan dito, ang ibibigay ko sa iyo. Sapagkat masdan, maraming daigdig na ang lumipas sa pamamagitan ng salita ng aking kapangyarihan. At marami na sa ngayon ang nakatayo, at hindi mabibilang ang mga ito ng tao; subalit ang lahat ng bagay ay bilang sa akin, sapagkat sila ay akin at akilala ko sila.

  36 At ito ay nangyari na, na nangusap si Moises sa Panginoon, nagsasabing: Maging maawain sa inyong tagapaglingkod, O Diyos, at sabihin ninyo sa akin ang nauukol sa mundong ito, at sa mga naninirahan dito, at gayon din sa mga kalangitan, at sa gayon ang inyong tagapaglingkod ay masisiyahan.

  37 At nangusap ang Panginoong Diyos kay Moises, nagsasabing: Ang mga akalangitan, ang mga ito ay marami, at ang mga ito ay hindi maaaring mabilang ng tao; subalit ang mga ito ay bilang sa akin, sapagkat ang mga ito ay akin.

  38 At habang ang isang mundo ay lumilipas, at ang mga kalangitan niyon maging gayon man isa ang darating; at walang akatapusan ang aking mga gawain, ni ang aking mga salita.

  39 Sapagkat masdan, ito ang aking agawain at aking bkaluwalhatian—ang isakatuparan ang ckawalang-kamatayan at buhay na dwalang hanggan ng tao.

  40 At ngayon, Moises, aking anak, ako ay mangungusap sa iyo hinggil sa mundong ito kung saan ka nakatayo; at iyong aisusulat ang mga bagay na aking sasabihin.

  41 At sa araw na ipagwawalang-saysay ng mga anak ng tao ang aking mga salita at aalisin ang marami sa mga yaon mula sa aklat na iyong isusulat, masdan, ako ay bmagbabangon ng isa pang tulad mo; at ang mga cito ay muling mapapasa mga anak ng tao—sa kasindami ng maniniwala.

  42 (Ang mga salitang ito ay asinabi kay Moises sa bundok, ang pangalan niyon ay hindi ipaaalam sa mga anak ng tao. At ngayon, ang mga ito ay sinasabi sa inyo. Huwag ipakita ang mga ito sa sinuman maliban sa kanila na maniniwala. Gayon nga ito. Amen.)